"Totoy", inupo sa SBMA ni GMA
Tinuligsa kahapon ni Sen. Richard Gordon ang pagtalaga ni Pangulong Arroyo ng isang "Totoy" para maupo bilang board member ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Ayon kay Gordon, labag sa charter ng SBMA ang pag-upo ng isang bata at walang karanasan sa trabaho para maging board member ng tanggapang ito."Tambay lang yata yung bata, mapapahiya tayo niyan sa dayuhang businessman," wika ng senador.
Sa impormasyong nakuha ni Gordon, itinalaga ni Pangulong Arroyo sa board ng SBMA ang 23-anyos na si Victor Magsaysay noon pang Hulyo subalit ngayong Disyembre lamang nakaupo.
"Itinago yung appointment at saka lang lumabas nung magkagipitan na sa impeachment ni Mrs. Arroyo," kuwento pa ng senador.
Si Victor ay apo umano ni Vicente Magsaysay, natalong senatorial candidate ng Team Unity at dating gobernador ng Zambales.
Labels: board member, Pangulong Arroyo, sbma, Sen. Richard Gordon, Tinuligsa
0 Comments:
Post a Comment
<< Home