Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, December 12, 2007

Red plate vehicles sa pamamasyal ngayong Pasko minomonitor

Red plate vehicles sa pamamasyal ngayong Pasko minomonitor

PINAALALAHANAN kahapon ng dalawang party-list representatives ang mga pampublikong opisyal at kawani na kalimutan ang planong paggamit ng “red plate vehicles” sa kanilang bakasyon nga-yong Kapaskuhan.

Pinaalalahanan nina An Waray Rep. Florencio Noel at Citizens Battle Against Corruption Rep. Joel Villanueva ang mga ito na mali at ilegal ang paggamit ng mga pampublikong sasakyan para sa personal na pangangailangan.

Sinabi ni Noel na dapat manmanang mabuti ng Department of Transportation and Communications (DOTC) at ibang sa-ngay nito ang paggamit ng red plate vehicles na inaasahang rarampa sa mga kalsada.

“Umaasa kami na hindi gagamitin ang sasakyan ng gobyerno para sa kanilang sariling kapakinabangan, bawal po ito,” ani Noel.

Naniniwala naman si Villanueva na hindi na dapat sabihan ang mga pampublikong opisyal at empleyado na ilegal ang paggamit ng sasakyang pag-aari ng gobyerno sa personal na lakad.

Aminado si Villanueva na mayroong ilang mga opisyal at kawani ng gobyeno na talagang matitigas ang mukha na sasamantalahin ang pagkakataon sa paggamit ng sasakyan ng pa-mahalaan.

Bukod dito, iritado rin si Villanueva sa mga gumagamit ng red plate vehicles dahil kadalasang mayayabang ang mga ito sa kalsada.

“Huwag naman sanang abusuhin ang pagkakataon, maging ehemplo sila ng publiko sa pagtupad sa batas. Dapat hulihin rin ng kinauukulan ang mga ito,” ani Villanueva.

Inihayag rin nina Noel at Villanueva na kadalasang sa gobyerno rin kinukuha ang gasolina ng mga ginagamit na red plates na hindi malayong makita sa malls, beaches at mga bahay bakasyunan.

Magugunitang binatikos na ang talamak na paggamit ng red plate vehicles sa mga personal na lakad. Ryan Ponce Pacpaco

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012