Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 29, 2008

DELOS SANTOS BAGONG MARKET MASTER

Itinalaga ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. si dating Gordon Heights Barangay Chairman Damian delos Santos bilang Officer-in-Charge (OIC) Superintendent ng Olongapo City Public Market na kilala ring East Bajac-Bajac Market.

‘’Inaasahan ko na sa pamamagitan ni Damian delos Santos na may malawak na experience sa paghawak ng isang posisyon ay higit na matututukan ang pangunahing pamilihan sa lungsod o ang mas kilalang ‘’Bagong Palengke,’’ wika ni Mayor Bong Gordon.

Kabilang sa plans and programs ng bagong OIC Superintendent ay ang bukas at malakas na ugnayan ng market tenants at ang street vendors na nasa ilalim naman ng pagsasa-ayos ng Vendors Management Team (VMAT).

‘’Patuloy ang mga isinasagawa nating ugnayan sa mga tenants at mga street vendors upang maiwasan ang matinding duplication o ang pagkakatulad ng mga produkto ng ating mga manininda.’’ wika ni delos Santos.

‘’Sa ngayon ay nasa planning stage na rin tayo upang higit na mapalakas ang pagnenegosyo sa pamilihan partikular na ang pagbibigay ng prayoridad sa mga negosyanteng residente ng lungsod,’’ dagdag pa niya.

Bagamat tubong Bicol ay napiling manatili ng bagong OIC Superintendent sa Olongapo na maglingkod ito bilang Brgy. Secretary noong 1972-1973, Brgy. Councilor 1974-1989 hanggang sa ma-halal bilang Bgry. Chairman ng Gordon Heights noong 1989 hanggang 2007.

Sa kaniyang panunungkulan bilang punong-barangay ay kanyang tinutukan ang education program ng barangay katulad ng pagtatayo ng karagdagang Daycare Center at ang pagsasagawa ng computer training para sa mga residente ng nasabing barangay.


NEW MARKET MASTER: Ang bagong talagang OIC Superintendent ng Olongapo City Public Market na si Damian delos Santos.










Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012