PACHECO, WAGI SA BODYBUILDING COMPETITION
Buong pagmamalaking muling ipinakilala ni Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. si Ruth Pacheco sa flag raising ceremony nitong ika-2 ng Enero.
“It’s good to begin the New Year with introducing an excellent Olongapeño like Ruth Pacheco who again triumphantly excelled in bodybuilding,” pahayag ni Mayor Gordon.
Itinanghal si Pacheco bilang first runner up sa isinagawang International Slimmer’s Great Bodies noong ika-1 ng Disyembre sa Plenary Hall ng Philippine International Convention Center (PICC).
Bilang bahagi ng kanyang premyo, kakatawanin ni Pacheco ang Lungsod ng Olongapo at maging ang buong Pilipinas sa mga bansang Greece at Germany para sa patimpalak kaugnay pa rin sa pagandahan ng korte ng katawan.
Magugunitang naging over-all champion si Pacheco sa Figure Category ng National Mr. and Ms. Philippines 2007 na isinagawa sa Music Museum noong ika-22 ng Nobyembre.

PAO/jms
Labels: first runner up, International Slimmer’s Great Bodies, Ruth Pacheco
0 Comments:
Post a Comment
<< Home