Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 05, 2008

Employees of the Month, Kikilalanin!

Kikilalanin na ang mga ‘Employees of the Month’ ng Olongapo City Government sa ika-10 ng Pebrero 2007.

Sa naisin ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. na maparangalan ang mga mahuhusay at matatapat na manggagawa ng city government, dalawang (2) empleyadong magmumula sa Income Generating Group (IGG) at Support Services Group (SSG) ng lungsod ang itatanghal na outstanding employees para sa buwan ng Enero 2008.

Pipiliin ang mga ‘Employees of the Month’ sang-ayon sa desisyon ng Government Selection Panel (GSP) na binubuo ng mga department heads at ng City Administrator bilang Ex-Officio Chairperson.

Huhusgahan ang mga nominadong empleyado sa pamamagitan ng mga criteria tulad ng Industriousness and Productivity (50%), Quality Customer Service (30%) at Malasakit and Honesty (20%).

Tatanggap naman ng Certificate of Recognition at P5,000.00 cash prize ang dalawang (2) mapipiling Employees of the Month. Magkakaroon ng photographic coverage ang pagpaparangal sa mga kikilalaning empleyado at may pagkakataon ding ilathala ang kanilang natatanging kahusayan sa newsletter ng city government.

Samantala, ang mga mapipiling outstanding employees sa bawat buwan ay mapapasama sa hanay ng mga nominado para sa ‘Employee of the Year’.

Ang lahat ng empleyado ng Olongapo City Government, anuman ang employment status, na nakaisang taon na sa serbisyo ay maaaring maging kalahok para sa Employee of the Month and Employee of the Year Program.

Ang pagpaparangal sa mga empleyado ng lungsod ay sang-ayon sa City Ordinance No. 60, Series of 2007. Nilalayon ng programa na maparangalan ang mga empleyadong nagpapamalas ng kahusayan at katapatan sa paggawa at sa gayon ay maging mabuting halimbawa ang mga ito sa iba pang manggagawa.

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012