DRY RUN NG HALFMOON BEACH, DINAGSA
Dinagsa ng mga Olongapeño at mga turista ang dry run ng Halfmoon Beach nitong ika-20 ng Marso.
Kaugnay nito ay pinapurihan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang mga sangay ng Olongapo City Government na nagtulong-tulong para sa matagumpay na dry run operations ng naturang beach area nitong Huwebes Santo.
Sa nakaraang flag raising ceremony ng mga city officials at employees sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center, binigyang komendasyon ni Mayor Bong Gordon ang Olongapo City Tourism Office sa pangunguna ni Kaye Reyes, Olongapo Mahal Ko Foundation sa pangunguna ni Lerma de Meza, Livelihood and Cooperative Development Office at iba pang sangay ng pamahalaang lokal na pangunahing nagtulong tulong upang maihanda ang kabuuan ng Halfmoon Beach at matagumpay na maisagawa ang dry run para sa kasiyahan ng publiko ngayong tag-araw.
Bagama’t dry run pa lamang ng Halfmoon Beach, maraming residente at turista na ang tumangkilik dito. Bukod sa mga comportableng cottages, comfort rooms at shower rooms, naglagay ng mga kiosks sa lugar ang Sam’s Pizza, Dimsum and Dumplings kasama ang ilan pang sari-sari stores. Mayroon na ring mga bangkang maaaring rentahan dito para sa karagdagang summer adventure sa Halfmoon Beach. Gayundin, nakaantabay sa lugar ang mga lifeguards na isinailalim ng city government sa masusing Red Cross trainings nitong Enero para sa seguridad ng mga taga-tangkilik ng naturang Beach.
Samantala, sa pasimulang dry run ng Halfmoon Beach, nilibot ni Mayor Gordon ang kabuuan nito kasama sina de Meza, Reyes, City Councilor Gina Perez, at Business Permit and Licensing Division Head Neal Perez upang makita ang mga dapat pang isaayos at paghandaan para sa higit na maayos na operasyon ng beach.

Si Mayor James “Bong” Gordon, Jr. kasama si City Councilor Gina Perez at iba pang city officials habang nililibot ang kabuuan ng Halfmoon Beach. PAO/jpb
Labels: dry run, halfmoon beach, mayor gordon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home