Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 11, 2008

ROAD SHOW SA ‘GAPO

Nagsagawa ng preliminary meeting ang Office of the Ombudsman at si City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. kaugnay sa National Anti-Corruption Program of Action (NACPA) Multi-Track Road Show na gaganapin sa April 18, 2008.

Kasama rin sa pulong ang mga city government department heads, barangay officials, non-government organizations, DepEd officials at media personalities.

Layon ng road show na ipaalam ang mga anti-corruption initiatives program na ginagawa ng pamahalaan sa pamamagitan ng Office of the Ombudsman.

Ang animo’y ‘’Unity Walk’’ na may temang ‘’Katiwalian ay Labanan, Maging Tapat sa Bayan’’ ay magsisimula sa Rizal Triangle Covered Court, ganap na ika-anim ng umaga, hanggang sa marating ang Olongapo City Convention Center (OCCC).

Samantala, may ibat-ibang public assistance program rin na ibibigay ang Office of the Ombudsman at si Mayor Bong Gordon sa mga residente ng lungsod at karatig-bayan na lalahok rin sa Road Show. Kabilang rito ang medical at dental services, pagsasa-ayos ng mga kinakailangang dokumento sa National Bureau of Investigation (NBI), Birth at Marriage Certificates naman sa National Statistics Office (NSO) at PHILHEALTH cards distribution.

Ang Olongapo ang napili ng Office of the Ombudsman na ika-apat na lugar sa bansa na pag-darausan ng road show na nauna nang ginanap sa University of the Philippines (UP) Diliman sa Metro Manila, Davao at Cebu dahil sa pagiging sentro nito sa Region-3 . Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012