Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, April 29, 2008

DREDGING OPERATION, NAANTALA!

Binalaan ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga masasamang elementong responsable sa pagkawala ng ‘ball joint’ ng dredging machine ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na umantala sa operasyon nito.

‘’Nais kong ipa-alam sa ating mga constituents na ang mga kahalintulad na insidente ay maaring mag-resulta ng negatibong epekto sa atin. Kapag nasira o may nawalang bahagi ang dredging machine, ito ay maaaring i-pull-out ng DPWH at titigil ang mga dredging projects sa lungsod na magre-resulta naman sa muling pag-baha sa mga mabababang barangay,’’ pahayag ni Mayor Bong Gordon.

Gayunman, agaran ring na-recover ang nawalang ‘ball joint’ bunga ng tawag na natanggap ng Olongapo City Police Office (OCPO) buhat sa isang concerned-resident ng Brgy. New Banicain nitong ika-27 ng Abril 2008 malapit sa New Banicain river.

Batay sa spot report ng Police Station 2, tinungo ng mga kawani ng OCPO, ilang opisyales ng barangay at kinatawan ng DPWH ang lugar at positibong itinuro ang nawawalang ‘ball joint’ ng dredging machine at na-recover sa may Banicain Fishport.

Sa kasalukuyan ay patuloy na tinutukoy ng OCPO ang mga suspect o suspects sa na-recover na ‘ball joint’ na nagkakahalaga ng tatlumpong-libong (P 30,000.00) piso. Ang ‘ball joint’ ay isang pipeline part ng dredging machine.

‘’Dahil sa pagkawala ng ‘ball point’ ay pansamantala ring nahinto ang dredging operasyon,’’ wika ni DPWH District Engr. Edward Ramos.

Sa ngayon, ay naka-daong ang dredging machine sa ‘bunganga’ ng Kalaklan River at magre-resume ng operation kapag naikabit na ang na-recover na ball joint.
Ang na-recover na ‘’ball joint’’ ng dredging machine na kasalukuyang naka-angkla sa ‘bunganga’ ng Kalaklan River.Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012