CONSTRUCTION WORKER SA HANJIN SHIPBUILDING PATAY
ISANG CONSTRUCTION WORKER SA HANJIN SHIPBUILDING PATAY AT 6 NA IBA PA
NAOSPITAL DAHIL SA MALARIA
Masinloc, Zambales, Isang construction worker sa Hanjin shipbuilding project sa Subic, Zambales na si Mark Anthony Daan, 28 taon gulang ang namatay dahil sa sakit na malaria noong Mayo 14.
Maliban kay Mark Anthony ay naospital naman ang 6 pang kasamahan niyang construction workers ng Less Builders na isang sub-contractor ng Hanjin Heavy Industries & Construction Company. Ito ay sina Aron Ebuen, Bernard Efe, Noel Esman at Jojo Estella na nakalabas na ng Iba provincial hospital matapos na gamutin sa sakit na malaria.
Samanatalang kasalukuyan pang nasa nasabi ring ospital sina Juven Pindon at Jano Elardo. Ang namatay na si Mark Anthony at ang 6 pang naospital ay pawing mga residente ng barangay Bani sa Masinloc, Zambales.
Ayon kay Grace ay umuwi sa kanilang bahay ang kanyang asawang si Mark Anthony noong Mayo 4 at ng sumunod na araw ay nagsimula na itong makaramdam ng sakit ng tiyan, lagnat at matinding pagka-ginaw.
Kaya’t noong Mayo 6 ay dinala nila si Mark Anthony sa Candelaria District Hospital at doon nga ay nakonpirma na ang kanyang dugo ay positibo sa virus na p. falciparum na nagdudulot ng sakit na malaria kaya sya ay agad namang inilipat sa Iba provincial hospital. Subalit makalipas ng ilang araw ay namatay si Mark Anthony.
Nakatakdang magsagawa ng inspeksyon ang Task Force Hanjin sa sinasabing barracks ng mga construction workers ng Less Builders at iba pang sub-constractors na nasa labas ng Hanjin shipbuilding compound na sinasabing wala sa maayos na kalagayan na maaring dahilan upang kumalat ang mga lamok na may dalang malaria.
Makikipag-ugnayan din naman ang Task Force Hanjin sa Department of Health para sa mga agarang gawain para maiwasan ang pagkalat ng sakit na malaria sa mga manggagawa ng Hanjin at mga residente ng apektadong barangay ng Cawag sa Subic, Zambales. By Mon Lacbain - Task Force Hanjin

Labels: hanjin, lacbain, malaria, task force hanjin, zambales
0 Comments:
Post a Comment
<< Home