PGMA binigyang papuri ang Subic Centennial
PGMA binigyang papuri ang RP sailing team sa 16th Asian President's Cup Regatta
Pinapurihan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Philippine Standard Sailing Team sa pagkamit ng prestigious Asian Cup sa 16th President's Cup Regatta na ginanap noong Marso sa Subic Yacht Club.
Ang team's boat, ang Subic Centennial kung saan ito ay pinamunuan nina Judes Echauz at Vince Perez bilang mga kapitan ng barko kasama ang kanilang crew na mga batang Filipino sailors ay nagwagi sa five-race-series.
Noong 1998, ang Echauz at Perez tandem gamit ang nasabing barko ay nagwagi rin sa China Sea Race. Makalipas ang sampung taon ay sumubok sa Asian Cup kung saan ang kanilang kahanga-hangang ginawa noong 1998 ay naulit.
Si Echauz, president ng Philippines Sailing Association at pinuno ng Philippine sailing team ay isang prominent figure sa ASEAN Games sa Manila.
Ang taunang regatta ay malaking bahagi ng Asian Yachting Circuit na dinadaluhan ng nga partisipante sa buong mundo. (by Erden Z. Nebrija PIA )
Labels: sailing, Subic Centennial
0 Comments:
Post a Comment
<< Home