Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, May 24, 2008

Tulong para sa mga Nasalanta ng Bagyong “Cosme”

Ipinag-utos ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang agarang pagpapadala ng tulong sa lalawigan ng Zambales na sinalanta ng bagyong “Cosme” kamakailan.
Si Mayor Bong Gordon sa pag-tulak ng Olongapo team patungong Sta Cruz, Zambales sa ‘’relief and rescue operation’’ para sa mga nasalanta ng bagyong ‘’Cosme’’. Nanguna sa grupo ang Disaster Management Office (DMO) sa pamumuno ni Angie Layug (kanan ni Mayor Gordon) at Army Reserved Command (ARESCOM) sa pamumuno naman ni 2nd Lt. Joey Orina (kaliwa ni Mayor Gordon).

Tumalima naman ang Disaster Management Office (DMO) at City Social Welfare Development Office (CSWDO) dala ang mga “relief goods” kabilang na ang bigas, noodles, canned goods at iba pang pantawid gutom ng mga residenteng nawalan ng tirahan at kabuhayan.

Gamit ang dalawang closed van at isang generator truck ng DMO nilakbay ng grupo ang iba’t ibang bayan ng lalawigan ng Zambales upang magbigay ng agarang tulong sa mga residente.

Matatandaang sa kasagsagan ng bagyong “Cosme”, binayo ng malakas na ulan at hangin ang ilang bahagi ng Region 3 kasama na ang Zambales noong nakaraang May 16-18, 2008. Naitala bilang “Signal Number 3” ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) ang bagyong “Cosme” sa Zambales.
Isa-isang ini-abot ni Olongapo First Lady at Zambales Vice-Gov. Anne Marie Gordon ang ‘’relief goods’’ sa mga residente ng Sta Cruz na pangunahing nakaranas ng bangis ng bagyong ‘’Cosme’’ sa lalawigan ng Zambales. INSET: Ang mga benipisaryo ng ‘’relief operation’’ habang nakapila sa Sta Cruz, Zambales nitong ika-19 ng Mayo 2008. PAO Photos/melai

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012