Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, June 30, 2008

FREE MEDICAL AND DENTAL EXAMINATION PARA SA CITY GOVERNMENT EMPLOYEES

Ipinapatupad na ang Ordinance No. 46 (series of 2007) na may titulong “An Ordinance Providing for Annual Physical and Dental Check-Up of Olongapo City Government Employees.”

Sa mosyon ni Kagawad Edwin J. Piano na sinang-ayunan ng lahat ng miyembro ng Sangguniang Panlungsod, and ordinansa ay in-aprubahan noong ika-19 ng Setyembre, 2007 at pinirmahan ni Mayor James “Bong” Gordon noong ika-1 ng Oktubre, 2007 bilang batas sa lungsod.

Nasasaad sa section 1 ng ordinansang ito ang layuning magkaroon ng libreng medical at dental examination ang mga kawani ng pamahalaang lungsod, kabilang dito ang permanent, casual, contractual, job order, consultant, elected city officials, barangay health and day-care workers. Ang checkup ay isasagawa sa buwan kung saan pumapatak ang kanilang kapanganakan.

Ayon sa section 4 ng ordinansa, ang medical procedures na sakop ng Physical Exam ay ECG, Chest X-Ray, CBC, Urinalysis at Fecalysis. Sa Dental check-up naman ay oral prophylaxis (cleaning), tooth extraction at tooth filling.

Layunin ng ordinansang ito na pahalagahan at mapangalagaan ang kalusugan ng mga kawani ng pamahalaang lungsod.

PAO/gladys

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012