Gobernador pinagpapaliwanag sa pagdumi ng karagatan
Mahaharap sa kasong administratibo ang isang gobernador sakaling mapatunayang nagkulang ito sa paghihigpit sa ilegal na pagmimina dahilan upang maapektuhan ang tubig sa karagatan.
Kasong administratibo o negligence of duty ang posibleng kaharapin ni Zambales Governor Amor Deloso sakaling mapatunayang illegal mining ang ugat ng pagkakaroon ng “discoloration” sa karagatan ng nasabing lalawigan.
Dapat umanong patunayan ni Deloso na walang kinalaman sa illegal mining ang pagkakaroon ng kulay pula ang tubig sa karagatan ng nasabing lalawigan.
Sa panig naman ni Department of Interior and Local Government (DILG) Legal chief Director Emetrio Moreno Jr., magkakaroon ng imbestigasyon bago makasuhan ang gobernador.
Samantala, aminado ang DILG na ang magagawa lamang sa kasalukuyan ay paalalahanan ang mga lokal na opisyales ng nasabing lalawigan na masusing bantayan ang illegal na operasyon ng pagmimina.
Labels: dilg, discoloration, gobernador, karagatan
0 Comments:
Post a Comment
<< Home