Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 11, 2008

BIYAYANG DENTAL HEALTH SA MGA DRIVERS, PAMILYA

Nitong ika-11 ng Hulyo 2008 ay namigay si Mayor James “Bong” Gordon Jr. at City Dentist Donald Vigo ng ‘membership stickers’ para sa mga public utility drivers sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. Ang mga ‘membership stickers’ ay ididikit sa windshield ng kani-kanilang mga sasakyan upang malaman na sila ay lehitimong miyembro.

Ang pamamahagi ng ‘membership stickers’ ay bahagi ng Dental Health Program ni Mayor Gordon para sa mga public utility drivers at kanilang mga pamilya.

“Kasama sa dental health service ay bunot, pasta at pag-linis ng ngipin. Ang inyong mga asawa at mga anak ay kasama rin sa serbisyong ito,” wika ni Dr. Vigo

Nagbabala naman si Mayor sa mga taong nangaabuso ng serbisyong ito.

“Marami kasing nagpapakilalang drivers kunwari para makakuha ng libreng dental service. Kaya ibinigay yang stickers na yan para kung hindi ninyo dala ang mga IDs ninyo, ipakita niyo na lang yang stickers para makakuha kayo ng service. Pero mas maigi kung dala ninyo ang ID cards ninyo para hindi maabuso ng mga manloloko ang serbisyo dahil para sa inyo talaga ito,” wika ni Mayor Gordon.

“Mas maganda kung pati ang buong pamilya, magaganda ang ngipin kaya isinama ko sila sa serbisyo. Importante ang dental health natin upang lumakas ang turismo ng lungsod, dapat nakangiti lagi! Dapat hindi lang ang paligid natin ang clean and green kungdi pati tayo,” dagdag pa ni Mayor Gordon.

Ganito rin ang ibinigay na serbisyo ni Mayor Gordon sa mga DepEd employees at government employees upang mapangalagaan ang kalusugan ng mamamayan ng Olongapo City.

Si Mayor James “Bong” Gordon Jr. habang nagdidikit sa isang jeepney ng ‘membership stickers’ ng dental health program para sa mga public utility drivers ng lungsod nitong ika-11 ng Hulyo 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

PAO/Don

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012