NATIONAL DISABILITY PREVENTION AND REHABILITATION WEEK, IPAGDIRIWANG!
Ipagdiriwang ang 30th National Disability Prevention and Rehabilitation (NDPR) week mula ika-14 hanggang ika-21 ng Hulyo 2008. Ang nasabing pagdiriwang ay may temang “Kung may access, may success.”
Nitong ika-9 ng Hunyo ay nagsagawa ng meeting ang Local Committee for the Welfare of Persons with Disability (LCWPD) na pinangunahan ni Gene Eclarino, hepe ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) kung saan inilatag ang mga activities at mga programa para sa NDPR week. Dumalo rin ang Chairman on Committee on Social Services ng City Council na si Kagawad Ellen Dabu.
Pinag-usapan rin sa meeting ang resolusyon at ordinansa na ipinasa ng City Council para sa mga Persons with Disabilities (PWDs). Ito ay ang Resolution No. 56, o ang pagbibigay ng mga ID para sa mga PWDs at ang Ordinance no. 31 o ang ordinansa na nagtatalaga sa pagtatayo ng ‘Office of Persons with Disabilites Affairs’ (OPDA).
Ang resolusyon at ordinansang ito ay naisakatuparan sa mosyon ni Kagawad Ellen Dabu at napirmahan na ni City Mayor James “Bong” Gordon Jr. Matatandaang isa sa bumubuo ng HELPS program ni Mayor Gordon ang Social Welfare.
Magsisimula ang pagdiriwang ng NDPR week sa ika-14 ng Hunyo sa flag-raising ceremony kung saan ia-anunsyo ang mga nakalatag na mga activities at programs para sa buong linggo. Susundan ito ng medical and dental mission na gagawin sa West Bajac-Bajac covered court sa araw ding iyon.
Ang iba pang mga activities na kasama sa buong linggo ay Healing Mass and Recollection Day, Dance Sport competition, Drawing Contest, Sports competitions at Fun Games.
Ipapakita rin ang ‘Persons with Disabilities accomplishment report’ para sa taong 2007 at mid-year 2008. Kaalinsabay nito ay magbibigay ng orientation tungkol sa Republic Act 9442 o ang act ng inamyendang ‘Magna Carta for Persons with Disability.’
Sa ika-16 naman ng Hulyo ay magkakaroon ng ‘Understanding Autism Orientation’ kung saan magsisilbing ‘resource speaker’ si Dr. David Calapatia.
“Napakahalaga na mabigyang kaalaman ang ating mga mamamayan tungkol sa mga kapatid nating may mga kapansanan. Kailangang bigyang halaga natin sila dahil sila ay mahahalagang parte rin ng ating lipunan. Inaasahan ko na ang pamimigay ng mga IDs ay mahigpit na ipapatupad upang makatulong sa mga PWD,” pahayag ni Mayor Gordon.
PAO/Don

Labels: cswdo, medical and dental mission, NDPR, pwd
0 Comments:
Post a Comment
<< Home