Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 09, 2008

PUBLIC MARKET, ISINASAAYOS!

Nitong ika-9 ng Hulyo ay nagsagawa ng isang meeting sa FMA Hall ng Olongapo City Hall para sa mga vendors sa Olongapo City Public Market. Ang meeting ay pinangunahan ni Kagawad Ellen Dabu at dinaluhan din ni Bobby Alvarez mula sa engineering department.

Pakay ng nasabing meeting ang pagsasaayos ng mga pwesto sa palengke. Sa meeting na ito, inihayag ang mga plano ng pamunuang lungsod ng Olongapo para magkaroon ng sistema at kaayusan sa palengke, partikular na sa mga vendors na nakapwesto sa East 20th at 21st streets at Baretto Street.

Sinimulan ang meeting ng isang presentation ng mga isinagawang mga activities ng lungsod na kasama ang mga vendors, isa na rito ang ‘Independence Day’ parade. Nagtapos ang presentation sa isang mensahe mula kay City Mayor James “Bong” Gordon Jr.

“Hindi ko makakalimutan ang tulong at suporta na ibinibigay ninyo sa ating lungsod. Maraming-maraming salamat!” sambit ni Mayor Gordon sa kanyang mensahe.

Matapos ito, ipinaliwanag ni Kagawad Dabu ang mga mangyayaring pagbabago sa palengke. Tinulungan siya ni Alvarez na ipakita ang ginawang plano sa paglalagay ng mga ‘canopies’ sa East 20th, 21st at Baretto Street upang maging uniporme na lahat ng mga pwesto ng mga vendors.

Dahil sa pagsasaayos na ito, ang mga orihinal at lehitimong vendors na nagtitinda pa simula dekada otsenta (80s) ang mga mananatili. Ang listahan ng mga vendors na ito ay inihayag sa meeting.

Ang mga vendors na nasa listahan at nasa meeting lamang ang pinapayagang pumwesto sa mga ‘canopies’ na itinatayo. Kung ang vendor ay wala sa meeting ngunit nasa listahan, binibigyan siya ng palugit na sampung araw (10) upang magpakita sa opisina ni Kagawad Dabu.

Kung ang nasabing vendor ay hindi na nagpakita, ang kanyang pwesto ay ibibigay sa iba pang vendor. Ganito rin ang mangyayari sa pwesto ng mga vendors na namayapa na ngunit kung ang vendor ay mayroong naiwang asawa, anak o kapatid, sa kanila ibibigay ng pwesto.

Ang mga vendors na maapektuhan ay mga ambulant vendors, corn vendors, conti-J muslim, tinapa vendors, Canda flea market vendors, kalamay vendors, EBB volunteers, kulot vendors at mga bilao vendors.

Ang pagbabago ay isinasagawa upang maisaayos ang sistema sa palengke upang mabigyang pagkakataon ang mga orihinal at lehitimong vendors na magamit ang kanilang mga pwesto at magamit ang malaking parte ng kalsada pagdating ng mga ‘emergencies’.

Inihayag rin ni Dabu ang mga programa ni Mayor Gordon para sa mga vendors tulad ng pagbibigay ng discount sa James L. Gordon Hospital.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012