MGA PULIS AT BARANGAY OFFICIALS, PINARANGALAN!
Nitong ika-7 ng Hulyo 2008 ay pinarangalan ng Olongapo City Police Office (OCPO) at Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga natatanging pulis at mga barangay sa kanilang kontribusyon sa pagpapanatili ng peace and order ng lungsod sa ginanap flag-raising ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Pinangunahan ni PSSUPT Abelardo Villacorta, PNP City Director at DILG City Director Eliseo De Guzman kasama si Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa pag-gawad ng mga parangal.
Ang mga awardees ay sina P02 Eduardo P. De Leon Jr. at P01 Hannibal Abalos na tumanggap ng Medalya ng Kagitingan. ‘Letter of Commendation’ naman ang ibinigay sa mga Police Station 6 (PS6) Personnel na sina PINSP Norberto S. Maninang Jr, P03 Ysmael E. Dupa at P01 Arnold C. Chantengco.
Ang mga Drug Enforcement Group (DEG) Personnel naman na binigyan ng ‘Letter of Commendation’ ay sina PINSP Julius Javier, P03 Hortencio S. Javier, P01 Lawrence A. Reyes, P01 Sherwin G. Tan, SPO1 Allan D. Delos Reyes, P03 Marlon Fontelera, P01 Ferdinand Mataverde at P01 Lowela M. Buscas.
Sa mga barangay naman, pinarangalan ang barangay West Bajac-Bajac at Old Cabalan para sa kontribusyon sa peace and order ng lungsod. Tinanggap nina Barangay Captain Basilio Palo para sa Old Cabalan at Brgy. Kagawad Dave Antonio, na humalili kay Barangay Captain Rafael Santulan Jr. para sa Barangay West Bajac-Bajac.
Pinarangalan rin ang iba’t-ibang mga opisyal ng mga barangay. Sa Barangay Old Cabalan, binigyan ng ‘Letter of Commendation sina brgy. Kagawad Vic Tuazon, Asst CSO Pedro de Vera, Asst CSO Leonardo Garcia, CSO Victor Bayla at mga BPSO na sina Cesar Talao, James Garcia, Renato Rea at Eduardo Acosta.
Sa Brgy. West Bajac-Bajac naman, ang mga tumanggap ng letter of commendation ay sina Brgy. Captain Rafael Santulan Jr., BPSO Ex-O Mario Aborque, Brgy. Kagawad Dave Antonio at mga BPSO na sina Ruben Santulan, Wilfredo Nabor, Alfredo Del Rosario, Lenny C. Gabriel, Fransisco Pangilinan, Ramon Landino, Christopher Corpuz, Reynold Datiles at Angel Ebuenga.
Binigyan rin ng OCPO ng tig-isang (1) bisikleta ang mga nasabing barangay upang mapatibay pa ang pagmanman at pagpapanatili ng kaayusan sa kani-kanilang mga nasasakupan.
Ang DILG naman ay ginawaran ang mga barangay Baretto, Ilalim, New Kababae, Old Cabalan at West Tapinac ng ‘Special Citation Award’ at ng isang ‘Certificate of Recognition’ para sa Barangay East Tapinac.
Ang limang barangay ay ginawaran para sa kanilang pagsumite ng maayos na mga report at accomplishments sa environmental sanitation, peace and security, protection of women and children, disaster preparedness at iba pa nang nasa oras.
Ginawaran bilang ‘Most Outstanding Lupong Tagapamayapa’ ang lupon ng Barangay East Tapinac. Dahil dito, ang East Tapinac ang kakatawan sa Olongapo City sa regional at national competition sa Lupong Tagapamayapa Economic and Incentives Award (LTEIA).
Nagbigay ng maikling mensahe si Col. Villacorta matapos ang pagpaparangal.
“Nagpapasalamat ako kay Mayor Gordon sa kanyang suporta at dedikasyon sa pagpapatibay ng peace and order ng ating lungsod. Pinagpapasalamat ko ang pagsuporta niya sa mga seminars at mga trainings na ibinibigay niya upang palakasin pa ang ating peacekeeping force tulad ng SWAT training at ang Water Search and Rescue,” pahayag ni Villacorta.

DILG AWARDEES- Sina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at Department of Interior and Local Government (DILG) City Director Eliseo De Guzman kasama ang mga barangay captains ng mga barangay na awardee ng DILG. Tumanggap sina Barangay Captain Carlito Baloy ng Baretto, Barangay Captain Rodrigo Del Rosario ng West Tapinac, Barangay Captain Amalia Corum ng Kababae at Barangay Captain Basilio Palo ng Old Cabalan ng mga Special Citation Award. Kasama rin sa awarding sina Vice Mayor Cynthia Cajudo and City Councilors Gie Baloy, Ellen Dabu at Edwin Piano.
PAO/Don
Labels: commendation, dilg, mayor gordon, OCPO
0 Comments:
Post a Comment
<< Home