Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, July 07, 2008

ISANG LINGGONG PRODUCT EXHIBIT

Binuksan ni Mayor James”Bong” Gordon Jr. sa pamamagitan ng ribbon cutting ang isang linggong Product Exhibit sa exhibit area ng Ground Floor, Olongapo City Mall nitong Lunes, ika-07 ng Hulyo bilang bahagi ng mga programa ng MSMED (Micro, Small, and Medium Enterprises Development) Celebration ng buwang ito.

“Libreng magagamit ng ating mga exhibitors ang exhibit area ng Olongapo City Mall sa loob ng pitong araw para mai-market ang kanilang mga unique products. Isa itong magandang pagkakataon para ipaalam sa mga turista ng lungsod kung gaano kaganda ang quality ng produkto ng Olongapo at Zambales,”pahayag ni Mayor Bong Gordon.

Alas dyes nagsimula ang exhibit na dinaluhan ng Chairperson ng MSMED Council (Olongapo Chapter) na si Mr. James Lee kasama ang ilang mga miyembro ng MSMED.

Isang linggong matutunghayan ng mga mamamayan ng Olongapo at mga turista ang mga Gawang ‘Gapo Products at mga produkto rin ng Zambales sa temang ‘Sa Negosyo Abot Kamay ang Asenso’.

Kabilang sa mga Gawang ‘Gapo products ay Tiva’s Homemade Products, Everlasts Candies, Nature’s Pure Peanuts at Castillo Cashew Nuts. Samantala, kinalabasang pandesal ng Mr. Baker at mango wine, sampaloc at dried mango naman ng Zambales Food Specialty Manufacturers Association (ZAFOSMAI) ang ilan sa mga produkto ng Zambales.

Inorganisa ang naturang exhibit ng Department of Trade and Industry (DTI) bilang secretariat ng MSMED at ng Livelihood and Cooperative Development Office (LCDO) na bumuo at nag-invite ng mga exhibitors nito.

Nabuo ang Micro-Small and Medium Enterprise Development (MSMED) Program base sa Republic Act 9501- Amending Republic Act 6977 na may titulong ‘An Act to Promote Entrepreneurship by Strengthening Development and Assistance Program to Micro, Small and Medium Scale Enterprise.

Product Exhibit. Pinangunahan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang pagbubukas ng isang linggong Olongapo City Mall Product Exhibit noong ika-07 ng Hulyo kung saan ipini-feature ang mga ‘Gawang ‘Gapo products at mga produkto ng probinsiya ng Zambales. Ang nasabing exhibit ay bahagi ng selebrasyon ng Micro-Small and Medium Enterprises Development (MSMED).

PAO/melai

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012