Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 04, 2008

ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT SEMINAR, ISINAGAWA

Upang lumawak pa ang kaalalaman ng mga mamamayan tungkol sa ‘illegal recruitment’ at maprotektahan ang mga sarili laban sa mga ito, ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nagsagawa ng isang “Anti-Illegal Recruitment and Trafficking in Persons Seminar” sa Legenda Suites, Cubi Point, Subic Bay Freeport Zone (SBFZ) nitong ika-3 ng Hulyo 2008.

Dumalo sina Vice Mayor Cynthia Cajudo na kumatawan kay Mayor James “Bong” Gordon Jr. at Angelita Fernando, Provincial Director ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Olongapo City na nagbigay ng kani-kanilang mga mensahe.

Dahil sa pinsalang idinudulot ng mga illegal recruiters sa mga pamilya at ang kanilang mga kabuhayan dahil sa mga illegal recruiters, ninanais ng POEA na patibayin pa ang pakikipaglaban sa mga ito sa pamamagitan ng mga lokal na pamahalaan at sa iba pang institusyon sa grassroots level.

Binigyan ni Alejandre Diaz, CEO VI, Director II ng Anti-Illegal Recruitment Branch ng overview ang mga kalahok patungkol sa mga anti-illegal recruitment programs ng POEA. Siya rin ang

tumalakay ng mga batas tungkol sa ‘trafficking in persons’.

Si Jenny Cera-Bayangos, Attorney III ng Prosecution Division naman ay nagsalita tungkol sa mga batas na may kinalaman sa illegal recruitment.

Ipinakita naman ni Lalaine C. Alianza, Attorney III ng Legal Assistance Division ang karaniwang mga modus operandi ng mga illegal recruiters at kung ano ang mga hakbangin upang maiwasang maloko ng mga illegal recruiters at traffickers.

Si Rodrigo Sta. Maria, Attorney III ng Legal Assistance Division ang nagsagawa ng diskusyon tungkol sa mga importante at epektibong hakbangin na dapat isagawa ng mga local government units (LGUs) upang maisakatuparan ang layuning “Illegal Recruitment-Free LGUs.”

“Kaalalaman talaga at pagsasamahan ang maiging panlaban sa mga illegal recruiters. Pinapaigting pa lalo ang pakikipag-laban sa illegal recruiters upang maging ligtas at maprotektahan ang kapakanan ng mamamayang may kagustuhang pumunta ng ibayong dagat upang magtrabaho,” pahayag ni Vice Mayor Cajudo.
PAO/don

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012