Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, July 04, 2008

GREEN PEACE FORUM: NO TO ABOITIZ COAL POWER PLANT

Mahigpit na pagtutol sa posibleng construction ng ‘Aboitiz Coal Power Plant’ ang naging hatol ng mga dumalo sa isinagawang Greenpeace Forum on Clean Air’ nitong ika-04 ng Hulyo, sa Function Room, 2nd Floor Olongapo City Convention Center (OCCC).

“Huwag hayaang maitayo ang Aboitiz Coal Power Plant ng Aboitiz Power Corporation sa may Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) sa may Redondo Peninsula para sa kasalukuyan at ng susunod pang henerasyon ng mga mamamayan ng Olongapo at Subic,” ni Jasper Inventor, representative ng grupong ‘Green Peace’ ng South East Asia.

Dumalo sa forum sina City Councilors Jong Cortez, JC Reyes, Angelito Baloy, Ludgie Lipumano, ABC President Carlito Baloy, ang tagapagsalita mula sa Grupong Green Peace South East Asia, Respiratory/Pulmonary medical Specialists, marine life experts, ilang Tourism Business operators, mga estudyante ng Subic Bay College at Olongapo City National High School (OCNHS), Akbayan representatives at mga concerned citizens upang ibahagi ang kani-kanilang mga opinion sa naturang issue.

Naroroon rin ang ilang representatives ng Department of Education (DEP ED), ilang media personalities, Subic Environmental Alliance, People’s Task Force on Hanjin at Subic Bay na nakibahagi rin sa forum.

Kabilang sa mga experts na nagsalita ay si Dra. Leah Pulmano-Lim na nagbigay ng mga konkretong data hinggil sa kung ano ang coal at ang maaring maidulot nito sa kalusugan ng mga mamamayan.

Ipinaliwanag rin ni Dra. Pulmano ang long term at short term effects ng coal tulad ng mga respiratory ailments at mental retardation para sa bagong silang na sanggol.

Sinang-ayunan at dinagdagan ng Green Peace expert na si Jasfer Inventor ang mga impormasyong binigay ni Pulmano. Ibinahagi niya sa mga mamayan ang mga posibleng hakbang na naging karanasan ng kanyang grupo kung saan nilaban rin nila ang ‘no to coal’ ng ilang lugar tulad ng Iloilo.

Nagbigay rin ng pahayag si Dr. Lem Aragones, isang marine life Consultant ng Ocean Adventure tungkol sa maaaring maidulot ng coal wastes tulad ng gases (nitrous oxide at sulfur dioxide) sa corrals, isda at iba pang marine life.


“Ang mga solid waste ay hindi ring maiiwasang ma-i-dispose sa dagat. This will gradually pollute the beaches of Subic. Sa isang idlap tuluyang ng mawawala ang kadalisayan at kalinisan ng mga ito,” pahayag ni Dr. Aragones.

Nagsalita rin sa nasabing forum ang ABC President, Carlito Baloy. Aniya, personal niyang pinuntahan ang existing Coal Plant ng Masinloc na kinumpara niya ang maaaring maging posibleng mangyari sa Subic.

“Ang mga dahon ng mga puno ay nagsisituyuan at nagsisilaglagan na,hindi dahil sa bagyo kundi dahil sa epekto ng gases being emitted ng planta. Kung dati may ilang nahuhuling isda ang mga mangingisda, sa ngayon matumal o halos wala ng huli ,”pahayag ni Carlito Baloy.

Bilang highlight ng forum sorpresang dumating si Solita Collas-Monsod na kilala bilang ‘Winnie’ Monsod, kilalang TV personality, environmentalist at columnist.

Ipinamahagi sa forum ang mga kopya ng kanyang artikulo sa Philippine Daily Inquirer noong ika-21 ng Hunyo kung saan ibinahagi niya ang kanyang pagkadismaya sa patuloy ng pag-ugong sa isyung Aboitiz Coal Plant sa kabila ng mga pagtutol ng mga mamamayan na nakapaligid dito. Tinuran rin niya sa nasabing write up na patuloy pa ring niri-review ng Department of Environment and

Natural Resources (DENR) task force central office ang nasabing konstruksiyon ng planta.

Ayon pa sa statement ng isang Akbayan representative na si Mark Peger, inisyuhan na ng DENR ng Environment Compliance Certificate (EEC) ang pagtatayo ng planta.

Inihayag ng Vice-Mayor ng Subic, Zambales na si Leonardo Simbol na hindi pa nag-i-issue ng Resolution of Endorsement ang Sanggunian ng Subic para sa Aboitiz Coal Plant.

Ayon pa kay Inventor, maaaring gumawa ang Sanggunian ng Olongapo at Subic ng resolusyon “Strongly Opposing the Possible Construction of Aboitiz Coal Power Plant in Subic” na maaaring iparating sa national level.

Nagtapos ang programa sa pamamagitan ng pagpirma ng mga supporters ng ‘No to Coal’ sa isang streamer bilang katibayan ng pagsulong ng isang matatag na laban.

Umaasa ang mga supporters ng ‘No to Coal’ sa maagap na aksiyon ng Pamunuan ng Lungsod ng Olongapo at Subic bilang mga pangunahing apektado ng posibleng masamang maidulot ng ‘Aboitiz Coal Power Plant’.

GreenPeace Forum on Clean Air: Pinangunahan ni Kagawad Jong Cortez ang ‘GreenPeace Forum on Clean Air’ sa 2nd Floor ng Function Room ng Olongapo City Convention Center (OCCC) nitong ika-4 ng Hulyo. Ang nasabing forum ay dinaluhan ng mga tagapagsalita ng Grupong GreenPeace South East Asia, Respiratory/Pulmonary Medical Specialists, Marine Life Experts, Tourism Business Operators, Olongapo City officials, Subic officials, ilang media personalities, mga estudyante, at ilang indibiduwal upang pag-usapan ang tungkol sa posibleng Construction ng ‘Aboitiz Coal Power Plant’ at maaaring maidulot nito sa kapaligiran, sa mga lamang dagat, turismo, at sa kalusugan.

PAO/melai

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012