HI-TECH PRINTERS DALA NG UNIFIED LAND INFORMATION SYSTEM
Tumanggap ng mga hi-tech na printers mula kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang apat (4) na government offices nitong Lunes, ika-30 ng Hunyo sa Flag Raising Ceremony.
Personal na binigay ni Mayor Gordon sa Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Registry of Deeds (ROD), sa pamamagitan ng mga head nito na sina Atty. Raul Mamac at Atty. Emmanuel Aquino ang tig-isang unit ng HP printers samantalang tumanggap rin ng printer ang City Assessor’s Office at City Planning Office na may plotter (Hp designed T1100).
Ang mga nasabing printer ay dala ng grant sa Project on Unified Land Information Sytem(ULIS) sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon na nakuha sa Innovation Support Fund –Land Administration and Management Program 2 (ISF-LAMP2) na isa sa mga programa o tulong ng Australian Agency for International Development (AUSAID).
Layunin ng ULIS na gawing uniform at pag-isahin ang mga impormasyon ukol sa pagtitulo ng lupa sa lungsod upang mapabilis ang access sa geographical information at mas maging mabilis ang land titling processing.
“Nagpapasalamat po ako kay Mayor Gordon sa mga printers na ito na gagamitin namin para ma-computerized natin ang mga files at records natin sa Registry of Deeds (ROD),” pahayag ni Atty. Aquino ng ROD.
“Asahan po ninyo na gagamitin namin ito para mas maging madali para sa mga mamamayan ng Olongapo ang pag-process ng kanilang papers regarding sa land titling,” mensahe ni Atty. Mamac ng CENRO.
Matatandaang isa sa mga programa ni Mayor Gordon ang mahikayat ang mga land owners sa Olongapo na patituluhan ang kanilang mga lupain para sa kanilang seguridad at mapakinabangan ito sa pagnenegosyo.

Hi-tech printers Dala ng Unified Land Information System (ULIS) Project. Tinanggap ni Atty. Raul Mamac, head ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) at Atty. Emmanuel Aquino ng Registry of Deeds (ROD) at ng City Assessors Office mula kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. kasama ang head ng City Planning na si Mareybeth Marzan ang mga Hp printers noong ika-30 ng Hunyo sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center. Ang naturang mga printers ay nanggaling sa grant ng Unified Land Information System (ULIS).
PAO/MELAI
Labels: cenro, donates, hi-tech printers, ULIS
0 Comments:
Post a Comment
<< Home