PINAGTIBAY NA ORDINANSA SA PAGPA-PARK SA CITY HALL, IPAPATUPAD
Kamakailan ay inamyendahan ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance patungkol sa pagpa-park ng sasakyan sa paligid ng City Hall. Ngayong ika-4 ng Agosto 2008 ay ipapatupad na ang nasabing ordinansa.
Sa pangunguna ni Kagawad Aquilino Cortez Jr., sinangayunan ng lahat ng miyembro ng Sangguninang Panlugsod ang mosyon sa pag-amyenda ng Section 3 ng Ordinance No. 47 (series of 2000) na may titulong ‘Ordinance Regulating the Use of the Parking Space In-front of the City Hall and in the Surrounding Vicinity,” at ang section 6 ng Ordinance No. 2 series of 1989 na patungkol din sa regulasyon ng ‘parking space’ sa ‘compound’ ng City Hall. Ang ordinansa ay pinirmahan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. nitong ika-20 ng Hunyo 2008.
Ayon sa ordinansa, ipinagbabwal na ang pagpa-park ng mga sasakyan sa ‘compound’ ng City Hall o ng mga kalye mula sa City Hall at Rizal Triangle kung wala namang opisyal na transaksyon sa City Hall ang may-ari ng sasakyan.

May mga ‘decals’ o ‘stickers’ na ibibigay upang malaman kung ang sasakyan ba ay authorized na mag-park sa mga nasabing lugar.
Ang mga pribadong sasakyan naman ay may nakalaang parking space sa may Rizal Triangle Multi Purpose Center o ang West 22nd Street. Ayon kay City Planning Department Head Marey Beth Marzan, isinasaayos na rin ang Engineering Compound upang magkaroon pa ng karagdagang parking space ang mga pribadong sasakyan.
“Nais kasi ni Mayor Gordon na maisaayos ang parking sa compound ng City Hall. Ini-encourage din ng ordinansang ito na magkaroon ng designated parking space ang mga establishments na malapit sa City Hall,” dagdag pa ni Marzan.
Ang mga government-owned na mga sasakyan naman at ang mga sasakyan ng mga opisyal at mga personnel ng gobyerno ay naka-designate sa mga ‘numbered areas’ sa paligid ng City Hall. Ang mga ‘decals’ o ‘stickers’ ay maaring makuha sa City Planning Development Office (CPDO).
‘Towing’ o pag-batak ng sasakyan ang ipapataw sa mga lalabag sa batas na ito, kasama na rin ang mga sasakyang may ‘stickers’ o ‘decal’ na nagpapark sa lugar na hindi naman sila dapat mag-park.
Pao/don
Labels: City Hall, CPDO, kgd.cortez, parking ordinance
0 Comments:
Post a Comment
<< Home