Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 13, 2008

CHILD MINDING CENTER AT CITY HALL

To preserve the work ethic and to bring out the best practice of government employees in order to deliver a more efficient service to the public, Mayor James “Bong” Gordon Jr. initiated a child minding center inside the Olongapo City Hall. Now on its third year, Mayor Gordon reinforces the use of the child minding center, especially to those employees who bring their at work.

“Noong nagisisimula pa lang akong bilang Mayor, napansin ko na maraming mga government employees ang nagdadala ang kanilang mga anak na bata sa trabaho. Kaya naisipan kong ipatayo ang child minding center dito mismo sa loob ng City Hall para may mapupuntahan ang mga bata habang nagtatrabaho ang mga magulang nila,” said Mayor Gordon.

“Ipinatayo ko yan upang ma-preserve ang work ethic ng mga government employees and at the same time, mapangalagaan din ang kapakanan ng kanilang mga anak,” Mayor Gordon added.

“Ang child minding center sa Olongapo City Hall ay natatangi sapagkat isa lamang ito sa dalawang child minding centers sa buong bansa na nasa loob ng isang city hall,” explained Gene Eclarino, head of City Social Welfare and Development Office (CSWDO), the government agency running the child minding center. “Ipinatayo yan for the employees to work effectively within eight hours and at the same time, their children are protected and safeguarded.”

“Currently, we have 80 children, ages 3-5 years old, sa child minding center,” Eclarino added.

The child minding center is located at the second floor of the Olongapo City Hall.

PAO/Don

Labels: , ,

Tuesday, July 01, 2008

PINAGTIBAY NA ORDINANSA SA PAGPA-PARK SA CITY HALL, IPAPATUPAD

Kamakailan ay inamyendahan ng Sangguniang Panlungsod ang City Ordinance patungkol sa pagpa-park ng sasakyan sa paligid ng City Hall. Ngayong ika-4 ng Agosto 2008 ay ipapatupad na ang nasabing ordinansa.

Sa pangunguna ni Kagawad Aquilino Cortez Jr., sinangayunan ng lahat ng miyembro ng Sangguninang Panlugsod ang mosyon sa pag-amyenda ng Section 3 ng Ordinance No. 47 (series of 2000) na may titulong ‘Ordinance Regulating the Use of the Parking Space In-front of the City Hall and in the Surrounding Vicinity,” at ang section 6 ng Ordinance No. 2 series of 1989 na patungkol din sa regulasyon ng ‘parking space’ sa ‘compound’ ng City Hall. Ang ordinansa ay pinirmahan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. nitong ika-20 ng Hunyo 2008.

Ayon sa ordinansa, ipinagbabwal na ang pagpa-park ng mga sasakyan sa ‘compound’ ng City Hall o ng mga kalye mula sa City Hall at Rizal Triangle kung wala namang opisyal na transaksyon sa City Hall ang may-ari ng sasakyan.

May mga ‘decals’ o ‘stickers’ na ibibigay upang malaman kung ang sasakyan ba ay authorized na mag-park sa mga nasabing lugar.

Ang mga pribadong sasakyan naman ay may nakalaang parking space sa may Rizal Triangle Multi Purpose Center o ang West 22nd Street. Ayon kay City Planning Department Head Marey Beth Marzan, isinasaayos na rin ang Engineering Compound upang magkaroon pa ng karagdagang parking space ang mga pribadong sasakyan.

“Nais kasi ni Mayor Gordon na maisaayos ang parking sa compound ng City Hall. Ini-encourage din ng ordinansang ito na magkaroon ng designated parking space ang mga establishments na malapit sa City Hall,” dagdag pa ni Marzan.

Ang mga government-owned na mga sasakyan naman at ang mga sasakyan ng mga opisyal at mga personnel ng gobyerno ay naka-designate sa mga ‘numbered areas’ sa paligid ng City Hall. Ang mga ‘decals’ o ‘stickers’ ay maaring makuha sa City Planning Development Office (CPDO).

‘Towing’ o pag-batak ng sasakyan ang ipapataw sa mga lalabag sa batas na ito, kasama na rin ang mga sasakyang may ‘stickers’ o ‘decal’ na nagpapark sa lugar na hindi naman sila dapat mag-park.
AMENDED PARKING ORDINANCE: Simula ika-4 ng Agosto, 2008 ay ipapatupad na ang ordinansa para sa pagpa-park ng mga sasakyan sa paligid ng City Hall.
Pao/don

Labels: , , ,

Tuesday, July 10, 2007

TAX PAYERS’ LOUNGE

‘’Ang mga Tax Payers’ ng Olongapo ang direktang nagpapasok ng income sa lungsod kaya dapat lamang na ibigay natin sa kanila ang magandang serbisyo,’’ yan ang wika ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Kaugnay nito ay ginagawa na ang ‘’Tax Payers’ Lounge’’ sa City Hall na target na mabuksan sa publiko sa buwan ng Agosto 2007.

Sa bagong ‘’Tax Payers’ Lounge’’ ay maglalagay ng dalawang (2) malalaking air-conditioning units, chairs at tables, reading materials at malaking television set para sa komportableng pag-hihintay ng mga payees.

Dito ay maaaring magbayad sa kuryente, sedula, lisensya, business permit at iba pang government obligations. Ang waiting area ay may laking 6 x 12 meters na maaaring maka-accommodate ng mahigit isangdaang (100) katao.

Sa ngayon ang dating waiting area sa Treasury Office ay pansamantalang inilipat sa dating PHILHEALTH Office window na matatagpuan pa rin sa 1st floor ng City Hall.



Ang isinasagawang konstruksyon ng TAX PAYERS’ LOUNGE sa City Hall. INSET: Pansamantalang inilipat ang lokasyon ng pagbabayad sa pay window ng PHILHEALTH Office sa 1st Floor ng City Hall.


Pao/rem

Labels: , , , ,


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012