Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, July 07, 2008

OLONGAPO MULING PINARANGALAN BILANG MOST COMPETITIVE CITY!

Muli nanamang pinarangalan ang Olongapo City bilang pinakacompetitive na lungsod sa buong bansa. Kamakailan ay tinanggap ni Mayor James “Bong” Gordon Jr., ang parangal bilang “Most Competitive Medium-Sized City” mula sa Asian Institute of Management (AIM) sa ginanap na awarding ceremonies sa InterContinental, Manila.

Ang parangal ay iginagawad sa mga lungsod base sa ‘competitiveness’ sa iba’t-ibang mga kategorya o ‘six drivers of competitiveness.’ Sinusukat ng ‘drivers’ na ito ang mga kalakasan at kahinaan ng isang lungsod upang makita kung gaano kalakas ang performance ng isang lungsod at kung angkop ang environment para sa patuloy na pag-angat ng iba’t-ibang sektor ng lipunan.

Ang mga ‘drivers’ na ito ay: (1) cost of doing business, (2) dynamism of local economy, (3) human resources and training, (4) infrastructure, (5) responsiveness of LGUs to business needs at (6) quality of life. Ang score sa mga ito ay ikinumpara laban sa mga score ng iba pang mga medium sized cities at nangibabaw ang Olongapo kasama ng General Santos City, Cabanatuan, San Pablo, Tagum, Tarlac City at Lucena.

Ang mga best small-sized cities naman ay Bayawan; Calapan; Calbayog; Dagupan; Dipolog; Laoag; Malabalay; Naga; San Fernando, La Union; Surigao; Tagbilaran at Tugegarao.

Ang mga most competitive metropolitan cities naman ay Davao, Lapu-Lapu, Makati, Marikina, Manila at Quezon City, ayon sa Asian Institute of Management.

Ang scores na nakuha ng Olongapo ay matataas, partikular na sa human resources and training at responsiveness to business needs. Dahil ito sa masugid na pagsulong ni Mayor Gordon sa kabuhayan at kapakanan ng mga mamamayan.

Nagsisilbi ding isang ‘assessment tool’ ang rankings na ito upang malaman ng mga lider ng syudad kung ano pa ang mga areas na dapat palakasin pa sa ‘competitveness’ ng syudad alinsabay sa hamon ng ‘globalization.’

Matatandaan na ang Olongapo City ay pinarangalan din bilang isa sa mga ‘Most Competitve Small Sized Cities’ noong 2005. Umangat ang Olongapo City bilang ‘Medium Sized’ City dahil sa pagtaas ng bilang ng populasyon.

“Ang pag-angat ng Olongapo bilang isang ‘Medium Sized City’ at nanatili pa rin bilang pinaka-competitve na syudad ay nagpapakita na kayang-kaya ng Olongapo na magbigay ng kalidad na pamumuhay sa mga mamamayan. Ang parangal na ito ay napakalaking patunay na ang Olongapo City ay handang-handa na patungo sa ‘global competency.’ Kaya dapat ipagpatuloy natin ito, we’re definitely fighting for excellence!” pahayag ni Mayor Gordon.

MOST COMPETITVE MEDIUM-SIZED CITY- Si Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr. pagkatanggap ng “Most Competitive Medium-Sized City” award mula kina Dr. Federico Macaranas, Executive Director ng Asian Institute of Management (AIM) Policy Center at Francis Estrada, president ng AIM.
PAO/Don

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012