WORLD POPULATION DAY IPAGDIRIWANG
Ipagdiriwang ng buong mundo sa Hulyo 11, 2008 ang World Population Day. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Family Planning, It’s A Right, Let’s Make It Real,” na tumutugma sa pagsulong ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ng kalusugan ng mga Olongapeño.
Ang pag-obserba ng World Population Day ay naglalayong magbigay kaalaman ukol sa karapatan at responsibilidad ng bawat pamilya sa ‘family planning’ at ‘birth spacing.’ Kabilang ang malayang pagpili ng bilang at ‘spacing’ ng mga anak at pagplano ng kani-kanilang mga pamilya.
Kaugnay ng World Population Day, isang forum na in-organisa ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang gaganapin sa Asian Institute of Management sa Makati City sa ika-11 ng Hulyo 2008. Dadalo sa nasabing symposium si City Health Department Head Dr. Arnildo Tamayo at City Population Officer Virginia Navarro.
Maglalagay rin ng mga streamers ang City Population Commission sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod upang magbigay kaalaman tungkol sa nasabing selebrasyon.
Sa July 12 naman ay magkakaroon ng isang symposium na pangungunahan ni Navarro sa Kalalake High School. Ang symposium ay naglalayong magbigay ng kaalaman sa mga adolescents ukol sa ‘reproductive health’ at ‘pre-marital sex.’
“Mas mainam na maagang magkaroon ng kaalaman ang ating kabataan ukol sa kanilang mga karapatan. Mai-gu-groom natin ang mga kabataan upang magkaroon sila ng mas magandang buhay at kalusugan,” pahayag ni Navarro.
“Kapag nagkaroon ng kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa family planning, ma-ipa-plano na rin nila ang kanilang buhay upang maka-ahon sa kahirapan at mabibigyan nila ang kanilang pamilya ng mas magandang kinabukasan,” dagdag pa ni Navarro.
Pao/don

Labels: Family Planning Month, popcom, unfpa, world population day
0 Comments:
Post a Comment
<< Home