Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 09, 2008

OUTSTANDING EMPLOYEES NG MAYO, PINARANGALAN

Kinilala ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. sina Benjamin Arcalas at Manny Libut bilang mga Outstanding Employees ng City Government para sa buwan ng Mayo nitong ika-7 ng Hulyo 2008 sa ginanap na flag-raising ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Si Arcalas ay Watchman III, Assistant Team Leader mula sa Disaster Management Office (DMO). Isa siya sa orihinal na miyembro ng 24-man team ng fire and rescue na binuo ni dating City Mayor Katherine H. Gordon at Philippine National Red Cross (PNRC) President at Senador Richard J. Gordon.

“Isang “competent and dedicated” professional si Arcalas ayon sa kanyang mga kasama. Walang pag-aalinlangang ginagampanan ni Arcalas ang kanyang tungkulin sa oras ng pangangailagan. Naging instrumento siya sa mga matatagumpay na pagresponde ng DMO,” ayon kay Angie Layug, hepe ng DMO.

Si Libut naman, na mula sa utility ng City Treasury Office, na isa ring huwaran pagdating sa dedikasyon sa trabaho. Wala pang natanggap na negatibong komento o problema kay Libut at masugid niyang inaasikaso ang mga taxpayers sa taxpayer’s lounge.

Maayos pa ring pinapanatili ni Libut ang kanyang trabaho bilang utility man kahit na iba’t-iba ang kanyang mga gampanin dahil sa pag-lawak ng taxpayer’s lounge.

“Exemplary ang ating mga awardees ngayong buwan lalo na sa dedikasyon nila sa kanilang mga tungkulin. Wala silang pinipiling araw at mabilis na tinutugunan ang kanilang trabaho. Sila ay tunay na nage-exemplify ng ‘culture of excellence,” pahayag ni Mayor Gordon.

Ang mga awardees ay tumanggap ng Certificate of Recgonition, Ulo ng Apo Medal of Excellence at limang libong piso (P 5,000) bilang cash incentive.

MOST OUTSTANDING EMPLOYEES- Si Mayor James “Bong” Gordon Jr. habang pinaparangalan ang ‘Most Outstanding Employees” ng City Gov’t. para sa buwan ng Mayo na sina Benjamin Arcalas ng Disaster Management Office (DMO) at Manny Libut ng City Treasury Office. Kasama rin ni Mayor Gordon sina Vice Mayor Cynthia Cajudo at City Councilors Ediwn Piano, Elmo Aquino at Gie Baloy. Ginanap ang pagpaparangal nitong ika-7 ng Hulyo 2008 sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Pao/DON

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012