Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, July 09, 2008

MAYOR GORDON NAMIGAY NG MGA SCHOOL SUPPLIES

Nitong ika-8 ng Hulyo 2008 ay namigay ng mga bags at schools supplies si City Mayor James “Bong” Gordon Jr. kasama sina Olongapo City First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon at City Councilors Ellen Dabu, Rodel Cerezo, Elmo Aquino at Gie Baloy sa lobby ng Olongapo City Hall.

Mga estudyante mula sa iba’t-ibang baitang ng mga eskwelahan sa lungsod ang nabigyan ng mga school supplies na tulong ni Mayor Gordon para sa mga deserving na mga kabataan.

Nagbigay ng maikling mensahe si Mayor Gordon tungkol sa kaayusan ng ating lungsod, kagandahang asal at ang pagaasenso ng bawat mamamayan.

“Kaya dapat simula ngayon ay mag-aral ng mabuti para paglaki ninyo ay umaasenso kayo,” pahayag ni Mayor Gordon.

Binanggit din ni Mayor Gordon ang mga programa niya na aalalay sa mga kabataan tulad ng pagpapahiram ng mga sports equipment at mga programa sa kalusugan.

Ang edukasyon ay isa sa mga prioridad ni Mayor Gordon at parte ng kanyang HELPS program. Ang isinagwang pamimigay ng mga bags at school supplies ay isa lamang sa mga maraming proyekto ni Mayor Gordon upang matugunan ang mga pangangailangang pang-edukasyon ng mga estudyante sa lungsod.

SCHOOL SUPPLIES- Sina Mayor James “Bong” Gordon Jr. at Olongapo City First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon habang namimigay ng school supplies sa mga estudyante mula sa iba’t-ibang eskwela sa Olongapo City. Kasama rin sa pamimigay sina City Councilors Gie Baloy at Ellen Dabu.
PAO/Don

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012