COMPUTER SET, IPINAMIGAY
Muli na namang nagbigay suporta sina Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon Jr. at First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon, kasama ang kanilang anak na si Amelia Jane Gordon, sa mga estudyante ng lungsod. Nitong ika-9 ng Hulyo 2008 ay nagmigay sila ng isang set ng computer, printer at mga school supplies sa Old Cabalan Elementary School.
Nagkaroon ng turn-over ceremony para sa computer set kasama ang principal ng OCABES na si Elvira Sagun at PTA President Zosimo A. Cabiling. Ang computer ay sa pagsisikap ni First Lady at Zambales Vice Governor Anne Marie Gordon.
Nagbahagi ng munting mensahe si Mayor Gordon patungkol sa kahalaghan ng edukasyon at patungkol din sa kaalaman.
“Ngayon ay age of information, information is power, knowledge is power at ang power na yan ay hindi dapat abusuhin, dapat gamitin para tulungan ang mga mahihirap,” pahayag ni Mayor Gordon.
Matapos ang turn-over ng computer ay namahagi sina Mayor Gordon at First Lady Anne Marie Gordon ng mga bags at school supplies sa mga estudyante.
Matatandaan na nito lamang ika-7 ng Hulyo ay namahagi si Mayor Gordon ng mga bags at school supplies sa mga mag-aaralmula iba’t-ibang eskwela sa lungsod. Ito ay sa patuloy na pagpapalakas ng programang pang-edukasyon ni Mayor Gordon para sa ikabubuti ng mga mag-aaral ng lungsod.

Labels: computer set, mayor gordon, old cabalan, Vice Governor Anne Marie Gordon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home