SBMA lespu na trial by publicity
CRYING BABIES ang limang lespu dyan sa SBMA na inireklamo ng isang bebot dahil sa pang momolestiya daw, kotong daw at grave misconduct daw matapos silang kasuhan sa Ulo nga Apo Prosecutor’s Office the other week.
Hay buhay police!
Hindi na babanggitin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga name ng SBMA police na kinasuhan dahil sa malaking kahihiyan ito hindi lamang sa kanilang departamento kundi maging sa mga pamilya nila, at maging sa mga biyenan nila, mga friend, kamag-anak, kapatiran, kaaway echetera.
Ang mga ito ay lumabas sa dyaryo na parang mga kontrabida sa isang pelikula at hindi nabigyan ng patas na pamamahayag para ipaalam sa madlang people ang tunay na pangyayari.
Sabi nga, kawawang nilalang!
‘Korte na siguro ang maglilinaw sa kanila kung may kasalanan ba sila o wala’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago hindi na natin ito mapagkukuwentuhan’
Sabi nga, next time.
Butch Quejada – PROBINSYA NGAYON
0 Comments:
Post a Comment
<< Home