TULONG MULA SA UNFPA
Pormal na itinurn-over ng United Nations Population Fund (UNFPA) sa pamamagitan ng kinatawan nito na si Dyesebel Dado kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang mga medical equipment para sa proyektong Basic Emergency Obstetric Care (BMOC) ng lungsod.
Ang naturang mga equipment ay ipapamahagi sa mga barangay ng Olongapo para mas matutukan ang maternal care ng mga kababaihan lalo na sa panahon ng panganganak.
Ambu resuscitator, bassinet, suction pump, delivery and episiotomy kit, baby resuscitator ambu at iba pa ang ilan sa magagamit ng mga ina sa lungsod.
Bilang tinaguriang ‘pilot barangays’ ng Olongapo, tatanggapin ng Brgy. Barretto, Kalaklan at New Cabalan ang naturang mga equipment.
“Ang tatlong nabanggit na barangay ang project sites ng Olongapo at accredited rin ng Philhealth,” said Dado.
Accredited ng Philhealth ang mga health centers ng tatlong barangay na nabanggit dahil na-meet
nila ang requirement ng isang out-patient department lalo na pagdating sa maternal care aniya.
Ang naturang mga health centers ay pinupuntahan rin ng mga Olongapeños na nanggaling sa iba’t ibang barangay ng Olongapo para sa medical services.
Inumpisahan ng UNFPA ang kanilang tulong pangkalusugan sa Olongapo noong taong 2004 na magtatapos ngayong taon.
Isa itong International Development agency na isinusulong ang karapatan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng access to reproductive health information at services para makagawa sila ng voluntary at wise decisions pagdating sa kanilang kalusugan.
Umaagapay ang UNFPA sa ating gobyerno para mas lalo pang mapangalagaan ang kalusugan ng bawat indibidwal.
Pormal na itinurn-over ng United Nations Population Fund (UNFPA) ang mga medical equipment kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. para sa proyektong Basic Emergency Obstetric Care (BMOC) ng lungsod nitong ika-18 ng Agosto sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
PAO/melai

Labels: bmoc, donation, medical equipment, unfpa
0 Comments:
Post a Comment
<< Home