Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, November 01, 2008

BUWAN NG PAGPAPAHALAGA SA ORAS AT SA KARAPATAN NG KAPWA

Inihayag ni City Administrator Ferdie Magrata sa flag raising ceremony na ang Nobyembre ay “National Consciousness Month for Punctuality(respect for the value of time) and Civility (respect for the rights of others). Ito ay batay sa deklarasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“Inuumpisahan natin dito sa flag raising ceremony at nakikita ko naman na may improvement, salamat sa mga department heads kinakailangan sana wala ng mali-late dito sa flag ceremony except kung reasonable yung lateness, depending on the job,” paliwanag ni Mayor Gordon.

Sa paggunita ng okasyon, ang Department of Trade and Industry, sa tulong ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ay magkakaroon ng Time Management and Stress Management Seminar Workshop sa Nobyembre 13-14 at sa Nobyembre 25-26 naman ay ang pagpapatuloy ng pangalawang bahagi ng Team Building seminar para sa ESMO at Engineering Department.

“The best observance of the national month for the pagpapahalaga sa oras at karapatan ng kapwa is for us to be on time in reporting to our job and for us to be productive during the 8-hour that we are required to perform,” wika ni Magrata.

Ang lahat ng opisyales ng gobyerno , lokal at nasyonal at lahat ng public at private schools, colleges at universities ay inaanyayahang makibahagi sa paggunita upang itaguyod ang Pagpapahalaga sa Oras at sa Karapatan ng Kapwa.

pao/nmm

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012