Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 29, 2009

REAL PROPERTY TAX, EXTENDED!

Ang City Ordinance sa pagpapatupad ng extension sa dalawampung porsientong diskwento (20% discount) sa Real Property Tax (RPT) o Amelyar sa Lungsod ng Olongapo ay pasado na ng Sangguniang Panlungsod at inaprobahan na ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr.

Ang Ordinance No. 69 (series of 2008) na may titulong, ‘’An Ordinance Extending the 20% discount on the Advance Payment of Real Property Taxes Due for the Year 2009 as Provided Under Section 2B of the City Ordinance No. 64, Series of 2007 Otherwise Known as ‘’Ordinance Repealing Ordinance No. 81 Series of 2002 and Providing for the Olongapo City 2007 Revenue Code’’, ay sinang-ayunan ng lahat ng miembro ng konseho sa isinagawang regular session kamakailan lamang.

Sa section 1 ng nasabing ordinansa, ang dalawampung por-sientong (20%) diskwento ay para sa mga tax payers na makakapag-bayad ng buo para sa tax year 2009 bago o hanggang ika-15 ng Pebrero 2009.

Ang City Treasurers Office, sa koordinasyon ng City Assessors Office at ng City Finance Committee ang nagrekomenda sa extension ng programa sa



City Council bilang konsiderasyon sa mahabang Christmas holiday at pagka-antala sa remittances ng maraming tax payers ng lungsod buhat sa ibang bansa.

Matatandaan na ang mga nagbayad ng buong amelyar bago o hanggang sumapit ang ika-31 ng Disyembre 2008 lamang ang maaaring makakuha ng dalawampung diskwento ngunit dahil sa ordinansa ay na-extend ito at inaasahan na higit na maaakit ang mga tax payers na magbayad ng buo at mas maaga pa sa deadline.

Para sa karagdagang impormasyon sa inyong status at discounts kaugnay sa Real Property Tax accounts, maaaring tumungo sa City Treasury Office o tumawag sa 222-2607 o kaya’y sa City Assessor’s Office na may telepono bilang 222-2666.

Pao/rem

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012