Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 29, 2009

SEMINAR PARA SA MGA DRAYBER

Dumalo ang mahigit 150 na drayber ng mga pampublikong sasakyan sa Lungsod ng Olongapo sa pinakahuling “Defensive Driving Seminar” na isinasagawa ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS).

Ang seminar ay regular na isinasagawa ng nasabing tanggapan sa pangunguna ni Col. Jose A. Aquino at sa pangangasiwa nina Robert G. Gregorio, Special Operation/Assistant Training Officer at Allan P. Dancel, Deputy for Operation/ Training Officer.

Ayon kay Gregorio, “sa seminar na ito, muling naipapaalala sa mga drayber ang mga alituntunin na kailangang sundin upang maiwasan ang aksidente sa kalsada.”

Tinatalakay din dito ang mga nakapaloob sa City Ordinance No. 32 Series of 1983 o ang “Ordinance Providing for Comprehensive Zoning Regulation for the City of Olongapo” .na dapat nilang malaman at tandaan.

Sa isang malayang talakayan, hinikayat ni Dancel ang mga drayber na magbanggit ng mga ordinansa na sumasakop sa kanila. Ilan sa mga nabanggit ay ang tungkol sa tamang singil ng pamasahe sa traysikel, ang pagbibigay ng dalawampung porsiyentong diskwento sa mga estudyante at mga senior citizens, ang tamang kurtesiya at paggalang sa mga pasahero, malinis at maayos na pananamit, ang nakatalagang ruta na kanilang dapat daanan at pagsasaaayos sa mga istasyon o pila.

Naging panauhin sa seminar ang namumuno sa Olongapo City ID Center na si Benjamin “BJ” Cajudo. Ipinaalam niya sa mga drayber ang pagkakaroon ng bagong sistema sa ID at ito ay maari nang gamitin sa loob ng tatlong taon.

Ang seminar ay ginaganap tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes na nagsimula noong Enero 26 hanggang Abril 24, 2009.

Nagbigay ng mensahe si Mayor James “Bong” Gordon sa mga drayber noong nakaraang “Defense Driving Seminar” na isinasagawa ng Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS).

PAO/ chay

Labels: , ,

1 Comments:

  • SEMINAR FOR DRIVERS IS A GOOD MOVE TO INSTILL RESPONSIBLE DRIVING BUT ENFORCEMENT OF TRAFFIC DISCIPLINE IS ANOTHER THING WEED OUT CORRUPT TRAFFIC ENFORCERS WHO COLLECTS AND LOOK THE OTHER WAY WHEN A DRIVER UNDER THEIR PROTECTION VIOLATES TRAFFIC CONDUCT A SURVEILLANCE AND TELL ME IM WRONG

    By Anonymous Anonymous, at 2/02/2009 10:11 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012