Red Cross Dinagsa ng Volunteers
BONGABON, Nueva Ecija – Nagsagawa ng panunumpa bilang mga bagong volunteers ng Philippine National Red Cross (PNRC) ang may 1,118 na resident ng bayan noong nakaraang Huwebes.
Naging bahagi ito ng ‘1-4-3’ o ‘Red Cross I love You’ program sa pangunguna nina PNRC Chairman Sen. Richard Gordon at dating Nueva Ecija Chairman Tomas N. Joson III.
Ayon kay Gordon, bilang mga volunteers ay magiging aktibo ang mga bagong kasapi sa panahon ng kalamidad bukod sa binigyan ng mga 1st aid kit bag, sasailalim din sa pagsasanay ang mga volunteers na binubuo ng 44 na kasapi sa bawat barangay ng Bongabon, Nueva Ecija.
Idinagdag ni Gordon na simula ito upang matulungan ang mga nagiging biktima ng kalamidad particular ang malalayong lugar na malalapit sa paanan ng bundok at mga baybaying dagat na hindi kaagad naaabot ng mga “relief at rescue team”.
--By: Jojo de Guzman - Abante

Labels: pnrc, red cross, Sen. Richard Gordon, volunteers
0 Comments:
Post a Comment
<< Home