11 PANG BOTIKA NATIN NAKATAKDANG BUKSAN NI LACBAIN
BILANG PANGGUNITA SA IKA-111 ANIBERSARYO NG KALAYAAN NG PILIPINAS
Subic, Zambales Bilang panggunita ng ika-111 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas sa ika-12 ng Hunyo, 11 pang botika natin sa nayon outlets ang nakatakdang buksan ni dating bise gobernador ng Zambales Ramon G. Lacbain II sa darating na linggo sa iba’t-ibang mga barangay ng mga bayan ng Sta. Cruz, Candelaria, Palauig, Botolan, Cabangan at San Felipe.
Noong isang araw lamang ay isang botika natin ang binuksan ni Lacbain sa Sitio Malinta, barangay Asinan-Proper sa Subic, Zambales na binubuo ng sampung miyembro mula sa iba’t-ibang pamilya.
Matapos mabuksan ang 11 pa ay umaabot na sa 385 ang lahat ng botika natin sa nayon sa Zambales at Olongapo city na nabuksan simula pa noong Agosto 25, 2005 ng unang ilunsad ni Lacbain ang proyektong ito bilang bise gobernador ng Zambales sa tulong ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. sa kanya mismong barangay sa Wawandue sa Subic, Zambales.
“Malaking tulong po sa aming mga mahihirap na mamamayan sa barangay ang botika natin dahil hindi na namin kailangang pumunta ng bayan at mamasahe para bumili ng gamot”, pahayag ni Dolores Petilo na siyang presidente ng Malinta Asinan Proper Neighborhood Association (MAPNA).
Dagdag pa ni Roger Doropan, team leader ng bagong tayo na botika natin sa sitio Malinta, “mas mura pa ang gamot dito sa amin ngayon kesa sa bayan dahil ang paracetamol 500 mg. tablet ay P0.50 lamang, ang salbutamol 500mg tablet ay P0.50 din, ang amoxicillin 500mg capsule ay P2.75 lamang at marami pang ibang murang gamot”.
Dahil sa napakamurang presyo ng mga gamot na mabibili sa higit na 300 mga botika natin na matatagpuan mismo sa mga malalayong barangay, sitio, purok, isla at kabundukan ay nakakaiwas ang mga mahihirap na mamamayan na lumala pa ang kanilang mga sakit dahil madali na silang makainom ng gamot ngayon.
Bawat botika natin na nayon ay mayroong P3,000 hanggang 10,000 halaga ng mga generic at branded na mga gamot.
Kahit anong oras ay maaari ring bumili ng gamot ang kahit sinong mamamayan sa panahon ng emergency dahil 24 na oras ang serbisyo ng botika natin.
“Nagpapasalamat ako sa 3,700 mga mamamayan ng Zambales at Olongapo city na bolutaryong nagpapatakbo ng mga botika natin dahil sa kanila ay nakakarating ang murang mga gamot sa mga barangays”, sabi pa ni Lacbain na siyang executive director ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc.
“Bago pa dumating ang aming ika-4 na taong anibersaryo ng pagkakatatag ng botika natin sa nayon project sa Agosto 25, 2009 ay layunin naming umabot sa mahigit sa 400 botika natin ang nabuksan na”, dagdag pa na pahayag ni Lacbain.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home