39-anyos konsehal tatakbong Pangulo
Maaaring hindi napag-ukulan ng pansin ang balitang ito pero I consider it interesting. Isang 39-anyos na konsehal ng Olongapo City ang tatakbo sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa 2010. Suntok sa buwan? Sige lang bata. Ituloy mo kung maganda and iyong intension. Kung manalo ka that surely is your destiny. Kung mabigo, may ibubungang mabuti iyan sa pag-angat ng pananaw at kamalayan ng mga Pilipino sa politika. Most of us Pinoys are still in a political kindergarten state and it’s about time we mature.
Ang tinutukoy ko ay si Olongapo City Councilor John Carlos “JC” de los Reyes na isasabak ng partidong Ang Kapatiran bilang presidential bet. Sa ngayon ay hindi pa kuwalipikado ang batang ito dahil underage. Pero sa Pebrero 14, 2010, pasok na siya sa legal age na 40 para makatakbong Pangulo.

Sa panahong ito, kailangang lumutang ang mga taong may mabubuting hangarin para mabura na sa balat ng lipunan ang lumang politika na nakatuon sa pansariling interes lang ng kandidato. My attention was caught while viewing ANC-TV just yesterday noon. May maikling feature tungkol sa batang politikong ito. Kaya lang pumangit ang kahulugan ay dahil sa mga taong nagbigay dungis dito. Nag-research ako sa Google kaya nakakuha ako ng ilang detalye sa kanya.
Nagtapos siya ng elementarya sa Ateneo de Manila, at high school sa De la Salle. BA in Theology ang tinapos niya sa Franciscan University of Steubenville, isang Katolikong pamantasan sa Amerika. Noong 1995, nahalal siyang Councilor of Olongapo. Pinagtuunan niya ng pansin ang mga mahihirap at nagtayo ng kooperatiba ng mga kabataan. Noong 1999 nagtapos siya ng post-graduate studies in Public Administration sa University of the Philippines at nagpatuloy siya para tapusin ang abogasya.
Marami pa ring doubting thomases sa lipunan. Aksaya lamang daw ito ng oras at pera dahil tiyak naming hindi mananalo. Pero kung walang ganyang mga pagtatangka, kalian pa magbabago ang masamang politika sa bansa?
--Ni. Al G. Pedroche – Ngayon

Labels: jc gordon delos reyes, Kapatiran Party, presidentiables
0 Comments:
Post a Comment
<< Home