Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, June 16, 2009

GORDON INTERVIEW AT BANDERA

Sey ni Gordon pag hindi siya nakatakbong pangulo sa 2010: 
‘Para n’yong ibinangko si Michael Jordan’
Ni Liza Soriano - BANDERA NEWS

(Editors Note: Anong klaseng mga tao itong mga ngpiprisinta na maging pangulo at pambansang pinuno nating mga Pinoy sa 2010? Anong ugali meron sila? Ano ang mga pinahahalagahan nila sa buhay? Inilalathala ng Bandera ang serye ng ating mga panayam sa mga taong maaaring tumakbo sa ating pampanguluhang halalan sa layuning makapagbigay ng patas na pagkakataon sa lahat ng “presidentiables” na mas makilala ng bayan. Hangad din nating makatulong sa mas makabuluhang pagdedesisyon sa kung sino ang dapat mamuno sa atin.)


Sa harap ng mga hakahaka na marami ang aatras sa presidential derby sa 2010,
pinanindigan ni Sen. Richard Gordon na wala siyang balak uamtras sa laban. Sinabi rin ni Gordon sa panayam ng mga editor ng Bandera na wala siyang planong kumandidato sa posisyong mas mababa kaysa sa pagka-pangulo. 

“Para ninyong ibinangko si Michael Jordan (NBA star) kapag hindi ako tumakbo sa pagka-pangulo,” ani Gordon, 63, sa panayam ng mga taga Bandera sa editorial office ng tabloid sa Makati city. 

Desidido aniya siya na tumakbo bilang pangulo sa ilalim ng partidong kanyang bnuo, ang Bagumbayan. 

Bagamat hindi pumapalo ang kanyang pangalan sa mga survey, naniniwala siya na ang kanyang track record ang magpapakilala sa kanya sa taumbayan pagdating ng election period. 

Gayunpaman, inaamin ni Gordon na malaking mga kunsiderasyon sa pagtakbo bilang pangulo ang financial capability, winnability at credibility, habang para sa ibang tao ay mga kunsiderasyon ang makinarya ng political party. 

“ I don’t go by money because it doesn’t make anybody win for the presidency,” sabi ni Gordon. 

Sinabi niyang maituturing niyang formidable opponent ang kandidato na mahaba ang pisi. 

Kung pera rin lang ang pag-uusapan, maitututing na formidable opponent para kay Gordon si dating Senate President Manny Villar. Pero maaring hindi pera ang magdikta ng mananalo,  aniya. 

“ Villar is using a lot of money, (Nationalist People’s Coalition chairman emeritus) Danding  (Cojuangco, who run in 1992) threw a lot of money, so did (former House Speaker Ramon) Mitra, so did ( former House Speaker Jose de Venecia… ( Former President Fidel) Ramos beat Danding and all the other guys kahit mas ay pera sila,” ani Gordon. 

Iba naman daw ang kaso ni Joseph “Erap” Estrada, na itinuring na din niyang isang formidable opponent. 

“Estrada won because he is not only popular, he had a lot of money,” ayon kay Gordon. 

Nakatulong din aniya ang karisma at ang track record nito bilang mayor, senador at bise presidente. 

Ipinagmalaki ni Gordon na isang magandang halimbawa ng kanyang track record kung paano niya 
naingat ang Subic matapos ang pag-alis dito ng base military ng US. 

Ani Gordon, isa pang dapat na maging batayan ng mga botante sa pagpili ng susunod na pangulo ay 
ang ‘leadership motivation’ o kung paano babaguhin ng pinuno ang bansa at maiingat ang mamamayan 
tungo sa magandang hinaharap. 

“You should make the people, draw out their values and make them move,” ani Gordon.


Sino ang taong ito?
(Mabilisang tanong, mabilisang sagot
ni Richard Gordon sa mga taga-Bandera)

Bandera (B): 5 bagay na ipinagmamalaki mo?
Richard Gordon (RG): Motivating people to do what they can do best, my work 
ethic, walang abusado sa pamilya ko, proud of my record as mayor at Red Crosser, ako lagi akong merong extra something for welfare of others

(B): Ginagawa sa spare time? 
(RG): I read. Historical novel, non-fiction. When I started reading non-fiction, I realized na intellectual na ako (laughs)

(B): Sino ang iyong bayani?
(RG): Dalawa ang hero ko, si (Jose) Rizal at si Lapu-Lapu 

(B): Paano mo ide-define ang Pinoy?
(RG): May definition ako sa tao natin, na dapat ang tao natin ay must be passionate, competent, competitive, united, liberal, secured and successful

(B): Pagkakaiba sa ibang leaders/ presidential candidate
(RG): May nagsasabi na A and B and class ko dahil magara and pangalan ko 
Gordon, Amerikano. Akala nila elite. Pero among the senators, no one has ever gone to putikan, baha. Nodbody has ever picked up dead people, carried them.

(B): Paboritong street food?
(RG): Kaya nga hindi ako nagkakasakit eh dahil nung bata kami may contact ang father ko sa… cafeteria ng Amerikano. Pag’di nila (Amerikano) naubos yung pagkain diretso sa drum. (Nilalagay) lang nila ‘yung pagkain sa drum kukunin naming yung pagain na kanin baboy na. ‘Yung mga Amerikano were so wasteful, tingnan nyo yung mga mansanas, buo, kukunin namin ang mga ‘yan tapos huhugasan sa ilog tapos kakainin namin… I used to eat by the roadside. I always eat banana fritters, meryenda ko ngayon kamote at saging.

(B): Favorite basketball team?
(RG): I am a sportsman. I do basketball, I used to run track, I am a hall of famer. I love basketball than football. I was a cheerleader of the Ateneo. UP is also my team, I have roots eh. Ateneo, UP, and Letran 

(B): Favorite actor?
(RG): Between Erap and FPJ… Hindi maligalig ang kanyang arte, simple lang ang kanyang craft eh. Pero every-body has his own downside eh, he drank hard. I don’t like that. Dapat pag lider ka everything must be done in moderation, pag leader ka di ka umiinom para magpakalasing but to entertain yourself, to be with your friends.

(B): Nagsusugal ka ba?
(RG): Nag blackjack ako dati then I lost money that I cannot afford to lose. Then I was so ashamed of my self then I promised myself I won’t do it again. 

(B): Kotseng ginagamit ngayon?
(RG): I have only Mustang 1965 and Toyota Fortuner. Sabi ko nga back up lang nina Jinggoy (Estrada) ang kotse ko.

(B): Watch?
(RG): Rolex. The only luxury I have

(B): 5 tao na gusto mong makita sa langit?
(RG): My father, my grand-mother who raised me, St. Ignatius de Loyola, Douglas MacArthur, I want to see if he’s still arrogant in heaven and Lapu-Lapu or Rizal. -- Karagdagang ulat ni Liza Soriano


Posisyon ni Gordon sa ilang importanteng isyu

Bandera (B): sino sa tingin mo ang tunay na nanalo noong 2004 presidential elections?
Richard Gordon (RG): I think GMA really won the election and Fernando lost because he had no track-record. He was never a barangay captain, a mayor unlike Erap.

(B): Death penalty? 
(RG): Ipinaglaban ko na maalis namin ‘yan dahil wala akong tiwala sa pulis na mag imbestiga.

(B): Third sex sa gobyerno?
(RG): Gays are welcome with me, I don’t have any problems working with them. 

(B): Gays in military/PNP?
(RG): You can make a woman fight, but you can’t make a gay fight? There are gays who love to serve their country.

(B): Abortion?
(RG): I draw the line there. I don’t believe in abortion, you have to respect life. But I believe in quality population. 
A population where you can have more than one (child) provided that you can afford it.

(B): Pakikialam ang Simbahang Katoliko sa mga isyung politikal?
(RG): The church should not be meddling; they have been meddling for the last 400 years.

(B): Moratorium sa pagbabayad ng utang?
(RG): I don’t worry about debt; lahat ng business ay may utang eh. Ang importante, palakihin mo yung production mo 
para mabayaran mo yung utang. Whenever somebody borrows money, dapat bantayan natin ang gobyerno.

(B): Power Rates?
(RG): The thing I want people to remember is this: the prices will always go up, bihira and bababa. So what will you do? 
Rely on government? That’s an artificial situation that won’t last long anyway. Sa akin, make bicycle factories, solar power, alternative power, choices of energy are available. The point is hindi ko papaasahin ‘yung tao na bababa yung presyo dahil hindi ito bababa.

(B): Legalization of jueteng?
(RG): Hindi matatalo ‘yang jueteng, that’s poor man’s entertainment. Ang posisyon ko diyan dapat legalize it, pag magulo ang bayan, may drugs, tanggalin mo yung jueteng. Wala kayong kikitain.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012