Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, May 21, 2010

‘Gapo, Naghahanda na sa Pagbubukas ng Klase

Siniguro ni Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na magiging ligtas ang mga estudyante sa mga daan at paaralan kaugnay ng nalalapit na pagbubukas ng eskwela sa susunod na buwan.

Ngayon pa lamang ay inatasan ko na ang Office of Traffic Management and Public Safety (OTMPS) at Olongapo City Police Office na mas bantayan pa ang peace and order at ang City Health Office upang mas paigtingin pa ang kampanya para sa wastong nutrisyon at programa laban sa dengue sa mga paaralan, paliwanag ni Mayor Gordon.

Nag-umpisa na rin ang ESMO sa pakikipagtulungan ng mga barangay upang linisin ang mga paaralan na sya ring naging polling precints sa nakaraang eleksyon, paliwanag pa ni Gordon. Magagamit na rin ng mga mag-aaral sa Olongapo City Elementary School o OCES ang kauna-unahang overpass sa lungsod upang maging mas maging ligtas ang pagtawid ng mga bata mula sa East Bajac-Bajac patungo sa kanilang paaralan, wika pa niya.

Matatandaan na sa pamamagitan ng HELPS program ni Mayor Gordon ay maraming paaralan sa lungsod ang nabigyan ng school empowerment fund na nagbbigay ng pagkakataon na maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mga pampublikong paaralan sa 17 barangay.

Samantala, nanawagan naman si Olongapo First Lady Anne Marie Gordon sa mga magulang ng mga mag-aaral lalo na sa mga ina ng tahanan na suportahan ang pagbubukas ng klase sa pamamagitan ng boluntaryong pagtulong sa DepEd sa paglilinis at pagsasaayos ng mga classroom sa mga paaralan ng kanilang anak.

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012