MAYOR BONG’S MASTERPLAN STRESSES LIVELIHOOD PROGRAM FOR OLONGAPENOS
Buhat ng maging lungsod ang Olongapo, some 40 years ago, nagkaroon na ng labing-isang (11) punong lungsod dito na sina: Ruben Geronimo (appointed, 1959-62), Ildefonso O. Arriola (appointed, 1962-63), James L. Gordon (elected 1966-67), Jaime Guevarra (take-over 1967-68), Amelia J. Gordon (elected 1968-71), Geronimo Lipumano (elected 1972-80), Richard J. Gordon ( elected 1980-86), Teodoro Macapagal ( 1986-87), Richard Gordon (elected 1987-92), si Cynthia G. Cajudo ba ang tumapos ng term ni Mayor Dick nang ito’y naging SBMA Chair? (elected 1995-2004), at incumbent Mayor James “Bong” Gordon, Jr. (elected 2004).
Without having to say among them did the most for Olongapo, suffice it to say na limang miyembro na ng Gordon family ang gumugol ng 25 of the 40 years mentioned, kaya bahala na ang tao sa paghusga nito.
The point is, dahil nagawa na halos lahat ng basic infrastructure needs ng lungsod: bahay, pamahalaan, palengke, hospital, mga paaralan, public utilities, mall, museo, public works, at kung anu-ano pang mga kailangan, tila baga mga refinements na lang sa mga ito, lalo na sa area ng job creation efforts para sa mga mamamayan, ang focus ni Mayor Bong sa kanyang panunungkulan.
Knowing Bong as a meticulous thinker and doer, di tayo dapat mabahala na di niya matugunan ang bawat relevant future needs of the townspeople at kung alin ang dapat mauunang gawin sa kanyang priority listing projects. Ang mga nagawa ng fish ports sa Banicain, ang pier sa seashore ng Kalaklan at Barretto at ang gagawin pang boardwalk sa Olongapo City Mall ay pawing pangkabuhayan at tourism enhancement ang mga iyan. At sa mismong pahayag ni Mayor bong na “tourism means jobs”, malaking kapakinabangan ang mga balak na ito.
Places of businesses ang mga ito para sa small-scale entrepreneurs, bukod sa pagiging paraan sa pag-unlad ng quality of life sa kapaligiran ng Subic Bay. Ang low-housing, road and pedestrian overpass construction, at installation of traffic lights naman ay essential safety and living improvement projects na nasa master-plan ni Mayor Bong.
Kahimunawari’y mauunang maipatupad ang mass land tiling of Olongapo lots upang makalikom ito ng sapat na pondo para sa infrastructure development projects na nakasalang.
Samantala, ang pagkakaroon ng regular na People’s Day with the mayor na tinatawag ninyo
ng Mayor’s Day ay isang mabisang solusyon sa pagkakaroon ng direct link at palagiang mabuting unawaan between the mayor and his constituents.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home