You’re always in my heart - Sen. Dick Gordon
Ito ang ilang ulit na banggit ni Senator Richard Gordon bago nito tapusin ang kanyang pananalita sa harap ng halos limang-libo (5,000) katao na nagtipon sa Olongapo City Convention Center nitong Agosto 5, 2005 parea ipagdiwang ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang mga kababayan sa Olongapo.
Muling narinig ng mga taga-Olongapo ang boses na nagging malaking impluwensiya sa mga values ng lungsod na hindi na nabura sa puso at isip ng bawat Olongapeno, tulad ng “Aim High Olongapo” at Bawal ang Tamad sa Olongapo”. Sa kanyang mensahe, sinabi ni Sen. Gordon na lagi niyang ipinagmamalaki ang mga taga-Olongapo saan man siya pumunta at anuman ang posisyon hawakan niay sa gobyerno. Patuloy ang pagmamalasakit niya sa Olongapo, kung kaya “Sampung milyon sa aking community development fund ay inilalaan ko para sa lielihood projects sa lungsod,” isang magandang balita na inihayag niya sa mga mamamayan na sinalubong naman ng masigabong palakpakan .
Labis-labis ang pagkasabik ng mga taga-Olongapo upang muling makapiling ang pinakamamahal at ipinagmamalaking lider ng Olongapo. Napuno ng mga streamer at banners ang buong Convention Center na nagpapahayag ng mensahe ng pagbati. Nabigayan din ng pagkakataon ang karamihan upang lumapit, yumakap, magpa-autograph at magpakuha ng litrato sa senador.
Bagama’t hindi pa nababalik sa bansa ang nakababatang kapatid ni Sen. Gordon at butihing mayor ng lungsod na si Mayor Bong, ito ay nagpa-abot ng isang recorded message mula sa Amerika para personal na batiin ang kapatid.
Matapos ang pagbabatian, nagkaroon ng pa-raffle ng mga regalo, appliances at grocery items mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang organisasyon at kumpanya para sa pagsasaya ng lahat ng mga mamamayang dumalo.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home