Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 17, 2006

Andoy ang bagong smuggler sa Subic

ORA MISMO Ni Butch M. Quejada, Ang Pilipino STAR Ngayon

KINAKAPA na pala ngayon ng grupo ni retired Lt. General Joe ‘‘Jupeter’’ Calimlim at Col. Jimmy Calunsag ang operasyon ni Andoy smuggler sa Subic Customshouse para makalawit ito oras na ma-caught in the act. Matagal na palang under-surveilance sa kanila si Andrew smuggler.

Nagpapakilalang anak si Andrew smuggler, na anak ng isang bugok na Customs Official na yumaman dahil sa kagaguhan sa bureau kaya namamayagpag ito sa Port of Subic pagdating sa mga illegal activities regarding pagpupuslit.

Si Andoy smuggler, ang naglalabas ng iba’t ibang klase ng mga gamot na alaws permiso sa Bureau of Food and Drugs, cell phones, electronic equipments et cetera. By air o by sea, ang kontrobando ay no problem kay Andoy sa pag-exit sa Subic Customs. Hindi kasi masaling si Andoy smuggler dahil no. 1 protector daw nito ang erpat niya. Tama ba Bogart?

Sangdamakmak ang pitsa nito dahil pangarap ng erpat niyang tumakbo tongresman sa isang lugar sa kabisayaan. Kung walang ‘‘No El’’ this coming 2007!

Mahigpit si Subic Customs Collector Andy Salvacion lalo’t pagdating sa usapin smuggling. Ayaw ni Salvacion ang ganitong kagaguhan sa kanyang puerto kaya naman kailangan tiktikan niya si Andoy smuggler.

Pinatigil ni Salvacion ang pag-iisyu ng mga alert order sa kanyang lugar. Si Salvacion, mismo ang nagmo- monitor sa mga importers/brokers na gustong mandaya sa pamamagitan ng pagbabayad ng tamang buwis sa government.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Salvacion lang ang puwedeng maglabas ng alert order sa problematic shipments para hindi magkaroon ng harassment sa ibang importers/brokers.

Kaya kung sinuman sa kanyang mga tauhan ang may impormasyon regarding smuggling activities kailangan idaan ito sa kanyang office para matiyak na makakalawit ito. Sabi nga, para walang areglo!

"Matatag ba talaga itong si Andoy smuggler?’’ tanong ng kuwagong GI.

‘‘Palagay ko dehins uubra ito kay Salvacion oras na makapa nito ang operasyon ng kamote,’’ sagot ng kuwagong Kotong cop.

‘‘Mahuli kaya nila si Andoy?’’

‘‘Madalas daw itong nakikita sa may Fedex?’’

‘‘Tiyak makakalawit ito kapag tinira ng grupo ni Jupiter at Col. Calunsag and Salvacion.’’

‘‘Abangan natin kamote.’’

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012