Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, January 21, 2006

Lusaw-VFA naka-first base na

Nina Boyet Jadulco, Nonnie Ferriol at Michelle Arroyo - ABANTE

Naka-first base na ang planong paglusaw sa Visiting Forces Agreement (VFA) na isinusulong ng Senado sa pamamagitan ng inihaing resolusyon ni Sen. Miriam Defensor-Santiago nang aprubahan ito kahapon ng Legislative Oversight Committee on the Visiting Forces Agreement (LOVFA).

Sa pulong kahapon ng mga senador at kongresistang bumubuo ng LOVFA, inaprubahan ng mga ito ang resolusyong inihain ni Santiago kung saan tanging si Sen. Alfredo Lim lamang ang tumutol.

Bukod sa paglusaw sa VFA, nakapaloob din sa resolusyon ang agarang pagpapahinto sa Balikatan Exercises, isang joint military exercise ng Amerika at Pilipinas.

Sa proseso ng paglusaw sa VFA, kailangang maihain at maaprubahan ang magkahiwalay na resolusyon ng treaty termination sa Kamara at Senado. Matapos ito ay bibilang ng anim na buwan mula sa araw na maihain ang ‘notice’ sa US government bago magkabisa ang paglusaw.

"The US will have no choice but to renegotiate with us if we serve them the notice of termination," ani Santiago.

Si Sen. Juan Ponce Enrile naman ang nagrekomenda sa naturang pulong na kanselahin na rin ang Balikatan Exercises sa buong panahong dinidinig ang rape case laban sa apat na marinong Kano.

Samantala, nakiisa na rin ang samahang Moro-Christian People’s Alliance (MCPA) na buwagin na at ibasura ang VFA dahil na rin sa pagkabigo ng mga opisyal ng pamahalaan na makuha ang kustodya ng mga akusadong dayuhan sa Olongapo rape case.

Tinawag din ni Amira Lidasan, secretary general ng MCPA, ang VFA na isa umanong ‘economic blackmail’ sa Pilipinas dahil sinasamantala nito ang kahirapan ng bansa para patuloy na madiktahan.

Kasabay ng pagpapanatag sa kalooban ng sambayanan na tutupad ang bansang Amerika na ibigay sa kustodya ng Pilipinas para tuluyang maikulong ang apat na kababayan kung sakaling mahatulang guilty sa kinakaharap na kaso, nangako naman si Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo na kanila pa ring ipupursige na mapasakamay ang mga akusado sa panahon ng paglilitis

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012