Puslit na imported cars nasabat
Nasabat kahapon ng mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) ang walong right-hand drive na mga sasakyan na nagkakahalaga ng P13 million mula sa bansang Japan.
Ayon kay BOC Commissioner Napoleon Morales, ang dalawang container van na naglalaman ng mga sasakyan ay nakapangalan sa Gacram Trading at Pasaram Trading.
Ang naturang mga sasakyan ay Toyota Spyder, Surf and Klogger, Sports Cars Honda S2000, Mazda RX8 at Subaru model 2002-2004 at nadiskubreng mga ninakaw mula sa bansang Japan.
Sa ulat ni IEG Deputy Commissioner Celso Templo, inalerto ang kanilang tanggapan sa padating na mga kargamento matapos na makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa illegal na pagpasok ng naturang mga right-hand vehicles.
Kaagad na kinumpiska ng BOC ang naturang mga sasakyan dahil na rin sa paglabag sa pag-iimport ng mga right-hand vehicles at kawalan na rin ng kaukulang papeles upang makapag-import nito.
Inatasan na rin ni Morales ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga taong nasa likod ng illegal na importasyon ng mga nasabing sasakyan. (Gemma Amargo-Garcia, Ang Pilipino STAR Ngayon)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home