Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 12, 2006

Warrant vs 4 Kano hinaharang ng DFA?

Tinatangka na umanong harangin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa apat na sundalong Amerikano na inakusahan ng panggagahasa sa isang Pinay sa Subic.

Ito’y kasunod ng umano’y nakatakdang pag-alis ni Foreign Affairs Sec. Alberto Romulo patungong Washington D.C. upang makipagkita at negosasyon sa pagitan ng pamahalaan at Estados Unidos tungkol sa Visiting Forces Agreement (VFA) at kasalukuyang sitwasyon ng apat na akusado.

Base sa report, hiniling umano ng DFA kay Olongapo Judge Renato Dilag na huwag munang ipalabas ang warrant of arrest laban sa mga nabanggit na akusado.

Sinabi umano ni DFA Usec. Zosimo Paredes kay Dilag na nakatakdang makipag-negosasyon si Romulo sa US authorities hinggil sa kaso ng mga Kano at para sa kanilang turn-over.

Nakatakda sanang magpalabas ng warrant si Dilag ngayong araw laban sa apat subalit napigil ito dahil na rin sa nasabi umanong pakikipag-usap ni Paredes.

Pinabulaanan naman ito ni DFA spokesman Gilbert Asuque at isinusulong pa rin anya ng DFA ang paghingi sa custody ng apat na ngayo’y nasa US Embassy. (Ellen Fernando, Pilipino Star Ngayon)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012