Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 14, 2006

BISE GOBERNADOR LACBAIN NG ZAMBALES PINAGTULUNGAN



Iba, Zambales. Pinagtulungan kahapon nina gobernador Vicente Magsaysay at mga miyembro ng sangguniang panlalawigan si bise gobernador Ramon Lacbain II sa ginanap na sesyon kahapon na mailipat ang 9 na milyong pisong pondo ng sangguniang panlalawigan sa opisina ng gobernador. Kasama rin dito ang pondo ng bise gobernador ng higit sa 1 milyong piso.

Sa kabila ng paliwanag ni Lacbain na ang paglilipat ng pondo ay hindi naaayon sa batas ay ipinilit pa rin ng mga ito sa kabila ng pagtutol ni Lacbain bilang pinuno ng opisina ng sanggunian ang paglilipat ng walang maibigay na maayos ng paliwanag.

Ayon sa chairman ng committee on budget na si board member Jose Gutierrez Sr. ay wala na raw siyang tiwala kay Lacbain kaya tama lang na ilipat ang pondo ng sanggunian sa opisina ng gobernador.

“Ayaw naming si Lacbain ang pipirma sa aming mga voucher at mas gusto pa naming kay gobernador Magsaysay kami magpapirma”, sabi pa ni board member Jury Deloso.

Sinabi ni Lacbain na bago pa nangyari ang paglilipat ng pondo ay kinausap siya nina board member Jose Gutierrez Sr., Renato Collado, Rufo Edquilang at Jury Deloso upang pumayag na na mailipat ang P7.8 na pondo ng sanggunian sapagkat mas madali daw kunin ang pera sa opisina ng gobernador kung ito ay malalagay sa intelligence fund hindi kagaya sa opisina ng sanggunian na marami pang kailangan na liquiation papers bago makuha ang pondo.

Maliban pa dito ay pinipilit siya ni board member Edquilang na i-withdraw ang kasong isinampa laban sa secretary ng sanggunian na si Kathy Fan na may kaugnayan din sa pagtanggal ng budget ni bise gobernador Lacbain noong 2005. Ang kasong gross misconduct laban kay Fan ay nasa supreme court at court of appeals sa kasalukuyan.

“Lagi na lang akong pinahihirapan ni gobernador at mga miyembro ng sanggunian sa budget ko sa opisina samantalang napakaliit ng budget kong P3.3. milyon sa isang taon kumpara sa P66 milyong pondo ni gobernador Magsaysay sa isang taon at dagdag pa dito ang P40 milyong pondo para sa mga proyekto na nakalagay sa provincial engineer’s office”, paliwanag ni Lacbain.

Dagdag pa ni Lacbain, “hindi totoong wala ng tiwala sa akin si board member Gutierrez at hindi ko naman kailangan ang tiwala niya, ang totoo ay meron silang tinatanggap mula sa gobernador na P20,000.00 bawat isa kada buwan para sa indigency assistance at bakit nila ililipat ang pondo sa opisina ng gobernador kung hindi rin naman nila ito makukuha sa ibang paraan. Bawat isa ay may committee fund na P33,000.00 kada buwan na dapat sana ay ginagamit sa pagsasagawa ng mga public hearings. Pero ang pondong ito kasama na ang mga pondo sa travel, training, representation expenses, other services, mobilephone na nagkakahalaga ng P7.8 milyong piso ay inilipat nila sa opisina ng gobernador.

Noong nakaraang taon pagbalik ko galing sa biyahe galing sa labas ng bansa ay higit P200.00 piso na lang ang natira sa pondo ng bise gobernador sapagkat inilipat ng mga miyembro ng sanggunian ang halagang P650,000.00 na pondo ng sanggunian sa intelligence fund ni gobernador Magsaysay. Inilipat din nila ang halagang P160,000.00 mula sa pondo ng bise gobernador sa indigency fund ng goberndor. Inilipat din nila ang halagang P267,000.00 mula sa pondo ng bise gobernador at sanggunian para sa donations.”

Nakatakda si Lacbain na maghain ng reklamo sa Department of Interior and Local Government at sa Commission on Audit ngayong araw na ito upang agad na siyasatin ang ginawang paglilipat ng mga pondo ng sanggunian at bise gobernor sa opisina ng gobernador ng walang sapat na dahilan at pahintulot niya bilang pinuno ng mga nabanggit na opisina.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012