Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 14, 2006

Cong. Diaz, inupakan ni Gov!

BubWit ng Zambales

D napigilan ni Vic Magsaysay ang init ng ulo noong Biyernes kung kayat talagang naupakan si Congressman Diaz sa harap ng maraming tao, ito ang diretsang tinuran ni Weng Quejada sa panayam ngayong umaga sa programang Laging Maganda ang Umaga ni Dean Egay Geniza (DWHL). Ito'y matapos hamunin ni Kagawad Edwin Piano ang kampo ng Magsaysay na magpaliwanag sa di magandang ehemplo na ipinakita ni Magsaysay sa kanyang nasasakupan at ang di pagrespeto sa mga panauhing naroroon tulad nila SBMA Chairman Fil Salonga, Administrator Armand Areza, mga pinuno ng Ramon Magsaysay Technological University at mga kawani ng Presidential Security Group na naghihintay sa pagdating ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Ikinagalit daw ng mag-amang Vic Magsaysay at Cong. Mitos Magsaysay ang di pag-iimbita at di paglalagay ni Cong. Diaz ng kanilang pangalan sa programa na gaganapin ng araw na iyon, ang inauguration ng RMTU School of Law sa Iba, Zambales. Ito raw ay hayagang pagpapakita ng kabastusan sa bahagi ni Tony Diaz.

Matatandaan din na noong nakaraang linggo sa pagbibigay ng parangal kay Secretary Ebdane ay naging issue din ang di paglalagay sa pangalan ni Cong. Mitos ngunit ayon kay Diaz, ito ay programa sa kanyang nasasakupang distrito kung kayat wala syang obligasyon na ilagay pa ang pangalan ni Mitos na unang distrito ng Zambales ang nasasakupan.

Tinanong daw ni Vic Magsaysay si Cong. Diaz kung ano ba ang gusto n'yang mangyari sa pagbabalewala nya sa ama ng Zambales, tumayo naman si Diaz at nangtanong sa paligid kung sinoba talaga ang gumawa ng programa, sa puntong ito sumabat si Mitos at sinabe sa kanyang ama "Daddy tara na! lumabas na tayo, basta tayong dalawa, alam natin na nasa loob ng kwartong ito yong gumawa ng imbitasyon at di nagsale ng pangalan mo!" at sabay talikod. Bigla namang sumigaw si Diaz at tinuturo si Mitos habang sinasabi "Anong gusto mong palabasin, ako ang gumawa ng imbitasyon? Na ako ang nagtanggal ng pangalan ng tatay mo sa imbitasyon? Sa puntong ito inupakan ni Gov si Diaz at sinabing "wag na wag mong sinisigawan si Mitos sa harap ko, kung 'di mo ako kayang igalang ay igalang mo ang aking anak!"

Kung hindi raw sama binalewala ni Cong. Diaz si Magsaysay at di mangyayari ang insidente ayon pa kay Quejada.

Samantala ayon sa bubwet na naroroon at mismong nakita ang insidente, inungkat pa daw kasi ni Gov ang rape case ni Diaz kung kayat nagpanting din si Diaz at sinabing "tapos na ang kasong yan, mas nakakahiya nga ang ginawa mong pang-aagaw ng babaeng may asawa!"

Naging mataas din umano ang tension nang ang mga bodyguard ng mga naroon ay bumunot ng mga baril at handa na sa duwelo samantalang maraming sibilyan ang nasa paligid na maaaring madamay sa kanilang personal na di pagkakaunawaan.

Hay nako! alam naman natin, magkakamag-anak yang mga yan! Ganyan na ba talaga ang mga nanunungkulan sa Zambales? Delikado ang kinabukasan ng bayan natin pag di nahinto yan, kabayan kayo na po ang humusga.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012