MMDA CHAIR BF at DILG SEC. REYES, BILIB SA OLONGAPO!
City Public Affairs Office
Sa nakaraang Gabi ng Parangal para sa Most Outstanding Olongapeños noong ika-29 ng enero 2006, pulos malalaking paghanga ang ibinigay ng mga bigating mga panauhin sa Lungsod ng Olongapo. Mapalad ang Olongapo na matunghayan ang pag-awit ng singing trio na sina DILG Secretary Angelo Reyes, MMDA Chairman Bayani Fernando at dating senador Joey Lina.
Hindi man naghanda ng mahabang speech si MMDA Chairman Bayani Fernando, ang kanyang mensahe sa Olongapo ay mula sa personal niyang karanasan. Aniya: “Dito sa Olongapo ako natuto noon. Nung ako ay Mayor sa Marikina, madalas kami sa inyo at pinag-aaralan namin ang lahat ng ginagawa ninyo sa Olongapo na noo’y pinamumunuan ng magiting nating Senador Richard Gordon.” Si Fernando ang kinikilalang magaling na enforcer ng kaayusan sa trapiko ng Kamaynilaan, ngunit bago ito’y nakilala munang “Best Mayor in Marikina” at ang Marikina ang modelong lungsod sa Kamaynilaan dahil sa Clean & Green program nito, at efficient garbage collection system – lahat ay dahil sa mga magagandang aral na kaniyang napulot mula sa mga aral niya sa Olongapo.
Si Department of Interior & Local Government (DILG) Secretary Angelo Reyes ay tila napapadalas din sa Olongapo. Ang pinakahuling pagbisita niya ay upang muling parangalan ang Olongapo bilang “Best in Peace and Order” sa buong Rehiyon. Aniya, “Ang Olongapo ay isang ‘source of inspiration’. It has a long and proud history. Napagtagumpayan nito ang mga pagsubok ng mawala ang base nabal ng mga ‘Kano, maging ang mga kalamidad. Kaya nga nagpapatuloy ang Olongapo sa paglago at pagtatagumpay dahil sa ‘distinctly unique Olongapo way!’ Kami ay nandito para handugan kayo ng mga awitin, at hindi kami nagdalawang-isip pumarito kahit malayo …because we were convinced that we have something to share with indeed a very proud City that is Olongapo!”

0 Comments:
Post a Comment
<< Home