Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, February 08, 2006

News blackout sa SBMA oil spill

Ang Pilipino STAR Ngayon

SUBIC BAY FREEPORT – Ipinatupad ng pamunuan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang total news blackout, kaugnay sa naganap na oil spill matapos na aksidenteng tumagas ang langis mula sa isang foreign cargo vessel habang ito ay nakadaong sa Pol Pier station 1 sa Subic Bay noong Biyernes ng gabi (Pebrero 3, 2006).

Kapwa tumangging magpalabas ng statement sa mga mamamahayag ang pamunuan ng SBMA partikular ang Ecology Department at Seaport Department kaugnay sa insidente na sumakop sa malaking bahagi ng Subic Bay waters.

Ayon kay Public Relations Office (PRO) Manager Armina C. Llamas, wala silang natatanggap na direktiba mula sa mga opisyal ng SBMA na magpalabas ng pahayag ukol sa nangyaring oil spill.

Napag-alaman na maging ang mga opisyal ng port operations ng Seaport Department ang nagsabi sa PSN na binawalan silang magbigay ng detalye lalo na’t sa mga mamamahayag kaugnay sa anumang uri ng insidente sa SBMA partikular na ang oil spill.

Matatandaan na naganap ang pagtagas ng may daang toneladang kemikal sa karagatang sakop ng Subic Bay noong Biyernes dakong alas-11:30 ng gabi matapos aksidenteng umapaw ang tangke ng barkong M/V Kyle, isang foreign cargo vessel habang ito ay pinupuno ng langis ng Philippine Coastal (Petroleum) Storage and Pipeline Inc.

Sa kasalukuyan ay nakaalis na ang naturang barko sa bansa at walang linaw kung nabigyan ng kaukulang parusa ng SBMA, kaugnay sa oil spill dahil sa kapabayaan ng mga crew ng barko at ng kumpanyang Coastal Petroleum. (Jeff Tombado)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012