JC DELOS REYES, KAGAWAD MULI!
Isinabay sa Flag Raising Ceremony nitong ika-13 ng Marso 2006 sa Rizal Triangle Covered Court ang isang simple ngunit madamdaming Oath Taking Ceremony ng pinakabagong miembro ng Sangguniang Panlungsod na si Kgd. John Carlos Gordon delos Reyes.
Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at ng buong pwersa ng Sangguniang Panglungsod kabilang na ang mga kawani ng lokal na pamahalaan ay malakas na palakpakan ang nangibabaw matapos ang kanyang panunumpa kay ng Judge Reynaldo Laygo ng Municipal Trial Court in the Cities Branch 3.
Sa ibinigay na maikli ngunit malaman na mensahe ng batang-kagawad kanyang sinabi na, ‘’Maraming malaki at magandang alok na trabaho ang aking natanggap habang ako ay nag-aaral ng abogasya, ngunit nangibabaw pa rin sa akin na pag-lingkuran ang Olongapo.’’
‘’At hindi ko bibiguin ang aking mga kababayan dahil lahat ay aking gagawin upang maging mabuting kagawad ng lungsod,’’ pagwawakas ng kagawad na lalong lumikha ng malakas na palakpakan.
Kasama ni Kgd. delos Reyes ang kanyang buong pamilya kabilang na ang kanyang may-bahay na si Dunia Valenzuela delos Reyes, tatlong anak na sina Gabriel, Santiago at Barbara Therese at mga magulang na sina Sonny at Barbara delos Reyes.
Saksi rin ang lola ni Kgd. delos Reyes sa espesyal na okasyon na si dating Congresswoman at Mayor Amelia Gordon na isa sa mga naging inspirasyon niya ng kanyang unang pasukin ang pulitika.
Nagsimula ang political career ni Kgd. delos Reyes noong 1995 ng magkaroon ng isang (1) puwang ang Nationalista Party lineup at i-alok ni dating Mayor Amelia Gordon ang puwesto bilang konsehal ng Olongapo.
Bagamat neophyte na matatawag, ay pumasok sa Top 10 ang pinagka-batang kagawad ng lungsod ng kanyang panahon at tatlong (3) taon niyang pinangunahan ang komite para sa mga kabataan.
Partikular na kanyang in-organisa ang Center for Youth Formation, upang ibahagi ang kahalagaan ng disiplina, self-control and love of God para sa mga kabataan ng lungsod.
Binansagan si Kgd. delos Reyes bilang Political Missionary ng isang babasahin dahil nakakitaan ito ng mga political ideologists, na batay sa kagustuhan ng Panginoon at hindi sa kagustuhan ng tao lamang.
‘’Faith and politics are intertwined, and the solution to the country’s ills lies not in the hands of man but in the hand of God,’’ ayon kay Kgd. delos Reyes na magsisimula ng panunungkulan nitong darating na Miyerkules ika-15 ng Marso 2006 para sa lingguhang sesyon.
Olongapo City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home