PULONG UKOL SA APEKTADONG IBON, ISINAGAWA!
Bagamat wala pang naii-ulat na biktima sa bansa ang nakamamatay na Avian Influenza (A1) o mas kilala sa tawag na Bird Flu, ang Lungsod ng Olongapo ay maagap nang nagsasagawa ng mga panuntunan kontra sa pagpasok nito sa teritoryo ng lungsod o sa bansa.
Itoy sa bisa ng inilabas ni City Mayor James 'Bong' Gordon, Jr. na Executive Order (EO) No. 01 Series of 2006 na nilagdaan nitong ika-10 ng Pebrero 2006 at may titulong 'Establishing A Program For Preparedness and Response to Avian and Pandemic Influenza In The City Of Olongapo'.
Pangunahing layunin ng EO No. 01 ay bumuo ng isang City Inter-Agency Force For Avian Influenza Protection na tututok sa formulation, operation at monitoring ng mga programa ng ibat-ibang sangay ng lokal na pamahalaan at sa pakikipagtulungan ng mga nasyonal na ahensya.
Kabilang ang Olongapo sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa na nagsasagawa na rin ng mga preparasyon sa Avian Flu base na rin sa isinaad na atas ng Department of Health.
Sa pamumuno ni Mayor Bong Gordon bilang Chairman, at ang mga kabilang sa task-force ay ang mga sumusunod:
Dra. Pacita Alcantara - City Health Officer
Dr. Arturo Mendoza - Chief of Hospital
Angelito Layug - Exe. Com. CDCC
P/Sr. Supt. Flor Buentipo - City Drector, OCPO
Eliseo de Guzman - City Director, DILG
Atty. Lito Orozco - City Legal Officer
Ferdie Magrata - Hospital Administrator
Luz Edquiban - City Agriculture Tech.
Kgd. Hally Andrada - City Councilor
Kgd. Noli Capistrano - ABC President
Dante Ramos - ESMO, Head
Gene Eclarino - CSWD, Head
Vic V. Vizcocho - Public Affairs Officer
Dr. Ligaya Monato - School Div. Supt.
Ireneo Cornelio - Market & Slaughterhouse
Ang Inter-Agency Task Force ay binigyang kapangyarihan ni Mayor Gordon na bumuo ng mga stratehiya ukol sa paghahanda at pagtugon, pagsasagawa ng mga teknikal na panuntunan at iba pang pamamaraan upang makamit ang layunin ng programang pamangalagaan ang kapakanan ng mga residente ng lungsod laban sa mapamuksang Avian at Pandemic Influenza.
Samantala, kabilang din sa programa ang pag-babantay sa mga posibleng port of entry ng virus, pag-iwas ng pagkalat ng virus mula sa ibon sa ibon at ibon sa tao, pangangalaga sa mga magiging biktima ng virus, pagpapakalat ng tamang impormasyon ukol sa kung ano at paano ito makaka-apekto sa industriya at ekonomiya ng lungsod.

Olongapo City Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home